^

PSN Showbiz

Miracle of Love naisalba pa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dalawa ang highlight ng bakasyon namin sa Europe, ang pagbisita namin sa grotto ng Our Lady of Lourdes at ang dinner namin sa bahay ng ating kababayan at ever gracious host, si Babette Aquino-Benoit, na sikat na model sa Pilipinas noong dekada ‘70.

Unforgettable ang pagpunta namin ni Lorna Tolentino sa Lourdes sa France dahil nakapaligo kami sa milagrosong batis ng Our Lady of Lourdes. Ang sarap-sarap ng pakiramdam pagkatapos ng aming paliligo.

Nag-enjoy naman kami sa pakikipagkuwentuhan kay Mama Babette na naghanda ng masarap na dinner para sa grupo namin. Kilalang-kilala ng mga Pinoy sa Paris si Mama Babette dahil sa dami ng mga kababayan natin sa Europe na natutulu­ngan. Si Mama Babette ang tunay na definition ng isang classy lady.

Una kaming nagkakilala ni Mama Babette nang magbakasyon ako sa Paris ng 2011. Nagkita uli kami after two years at walang ipinagbago ang kanyang hitsura.

Marami kaming napagkuwentuhan ni Mama Babette pero hindi puwedeng i-share sa dear readers ng PSN.

Sa totoo lang, inip na inip ako sa Paris. Feel na feel ko ang pagiging senior citizen dahil uwing-uwi na ako sa Pilipinas. Hindi katulad noong bagets pa ako at nagpunta kami sa Europe para sa shooting ng Miracle of Love.

Rampa lang ako nang rampa kaya nasuyod ko ang lahat ng sulok ng Europe. Ang Miracle of Love ang 1982 movie ni Gabby Concepcion at ng yumaong aktres na si Roxanne Abad Santos.

First and last movie ni Roxanne ang Miracle of Love. Namatay siya dahil sa kanyang sakit na leukemia. Ang akala ng mga tao, gimmick lamang para sa pelikula ang pagkakaroon ni Roxanne ng leukemia. Napahiya at nakonsensiya ang mga intrigera nang pumanaw si Roxanne bago pa ipinalabas sa mga sinehan ang Miracle of Love. Hindi na napanood ni Roxanne ang kanyang first and last movie na pinilahan sa takilya.

May isinulat ako noon na article tungkol kay Roxanne. I Hate You Roxanne ang title ng article na nagpanalo sa akin sa isang writing contest. Ikinuwento ko sa article ang mga karanasan namin ni Roxanne habang nasa Europe kami para sa shooting ng Miracle of Love.

Ang GC Films na pag-aari ng pamilya ni Gabby ang producer ng Miracle of Love. Kasali sa cast si Snooky Serna pero hindi siya kasama sa shooting sa Europe. Kasikatan noon ng love team nina Gabby at Snooky.

Sa pagkakaalam ko, may existing copy pa ang Miracle of Love dahil napapanood ito paminsan-minsan sa cable TV. Hindi na kilala ng current generation si Roxanne dahil 31 years old na ang pelikula na pinagtambalan nila ni Gabby. Mabuti nga, naisalba pa ang kopya ng Miracle of Love. Marami ang magagandang pelikula noong araw na hindi na napapanood dahil napabayaan ang kopya. Masuwerte ang mga pelikula na Himala, Oro, Plata, Mata at Maynila sa mga Kuko ng Liwanag na na-restore at good as new ang quality.

Marian inirampa ang kaseksihan, mga lalaking nanood sulit na sulit

Congrats kay Marian Rivera na umani ng masigabong palakpakan nang rumampa siya sa victory party ng FHM! Sulit na sulit ang pagpunta ng mga mhin sa venue ng FHM party dahil nasilayan nila nang personal ang kagandahan at kaseksihan ni Marian.

Si Marian ang itinanghal ng FHM na Sexiest Pinay noong 2007 at ’di hamak na mas bongga ang hitsura niya nang rumampa siya noong Miyerkules dahil todong-todo ang kanyang pagpapaseksi.

ANG MIRACLE OF LOVE

BABETTE AQUINO-BENOIT

DAHIL

LOVE

MAMA BABETTE

MIRACLE

MIRACLE OF LOVE

OUR LADY OF LOURDES

ROXANNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with