MANILA, Philippines - May babalik sa buhay ni Isabel (Angel Locsin) ngayong parang steady na steady na sila ni Justin (Vhong Navarro), at dahil may nakaraan si Isabel at ang lalaking nakaÂsalubong niya habang namamasyal sa isang amusement park, masusubukan ang mga relasyon ngaÂyong Sabado (Hulyo 13) sa Toda Max.
Si Joe (Zanjoe MaÂrudo) ang kababata ni Isabel (Angel Locsin) noong sila ay bata pa, pero hindi lang pagÂkakaibigan ang nangyari sa kanilang dalawa—iniÂbig ni Joe si Isabel at nangako pa nga ito na kung magkita sila ulit ay liligawan niya at pakakasalan si Isabel.
Ibang iba si Joe kumpara kay Justin. Si Joe ay adÂvenÂturous at exciting, samantalang si Justin naman ay sobrang sigurista—ang problema, baka mas mag-enjoy si Isabel kasama si Joe ngayon.
Mapaibig kaya muli si Isabel kay Joe kahit nasa buhay na niya si Justin? May laban ba si Justin sa mga dating pangako ng dalawa?