MANILA, Philippines - Tampok sina Luke Mejares at Pretty Young Thing sa mini concert na maÂgaÂganap sa lingo ng umaga, ika-14 ng Hulyo, sa awarding ceremonies ng 2013 Manila Bay Clean Up Run.
Suot-suot na rin ng mga batikang announcer ng 90.7 Love Radio, 101.1 Yes FM at 96.3 Easy Rock ang kani-kanilang running jerseys upang higit na makakuha ng suporta sa publiko para sa kampanya ng Land Bank na linisin ang ating karagatan at iba pang daluyan ng tubig, lalung-lalo na ang Manila Bay.
Tatakbo rin ang mga empleyado ng DZRH, kasama na ang mga volunteer ng Operation Tulong bilang bahagi ng ika-74 aniÂberÂsaryo ng flagship staÂtion ng Manila Broadcasting Company, na siyang nag-organisa ng programa. Bukod sa funÂrun, magsasagawa ang DZRH ng malawakang meÂdical-dental mission sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasunod ng Job Fair sa SM Megamall. Iniimbitahan din ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan upang dumalo sa Kambyo Kings Day sa Star City sa gabi ng linggo para sa isang magdamagang videoke session.
Iba’t ibang running clubs, school groups, corporate teams at mga indibidual na mahilig tumakbo ay sumuporta sa kampanya. Mahigit 4,500 ang tatakbo sa linggo sa magkakaibang dibisyon. Sisimulan ng alas-4:30 ng umaga ang 21 km, kasunod ang 10 km, 5 km, at 3 km races.