Mga anak ni Lorna, shopping ang inatupag sa Paris

Nakasabay namin ni Lorna Tolentino sa pagbabakasyon sa Paris ang ilang mga kongresista pero hindi ko na sasabihin ang kanilang mga name.

Enough nang nalaman ko na sosyal ang mga kongresista natin dahil rumampa  sila sa Paris, hindi sa Amerika na ordinaryo nang destinasyon ng mga Pinoy. Napagod siguro sila sa pangangampanya noong nakaraang eleksiyon kaya pinili nila na mag-rest sa Paris.

Nag-shopping din kaya ang mga kongresista sa mga sosyal na tindahan sa Champs- Elysees?

Maraming salamat kay Ambassador Cristina G. Ortega at Connie Lugue dahil sa treat nila sa grupo namin. Si Ambassador Ortega ang ambassador natin sa Paris at Monaco. Feel na feel ko ang pagiging social climber ko nang imbitahan niya kami na mag-dinner sa kanyang Paris residence.

Si Connie ang longtime friend ni LT at siya ang dahilan kaya nagkaroon kami ng chance na makipag-rubbing elbows kay Ambassador Ortega na napa­kabait at accommodating.  Isang malaking karangalan na makilala ko ang mga kababayan natin sa Paris.

Shopping naman ang inatupag sa Paris ng magkapatid na Rap at Renz Fernandez. Knowing them, naikot nila ang lahat ng mga shop sa Champs-Elysees. May karapatan naman ang mga anak ni LT na mag-splurge dahil sariling pera ang ginagastos nila bilang pareho silang may mga trabaho. Bihira naman sila na mag-shopping kapag nasa Pilipinas.

As usual, tinamad ako na maglamiyerda sa Paris dahil hindi ko type na maglakad nang matagal. In-enjoy ko nang husto ang magandang apartment na tinirhan namin as in complete beauty rest ang inatupag ko.

Sen. Bong maganda ang plano kay Toni

Nakatanggap ako ng phone call mula kay Senator Bong Revilla, Jr.. Pinag-usapan namin ang kanyang pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival.

May magandang plano si Bong para sa pelikula na first team up nila ni Toni Gonzaga. Kapag natuloy ang balak ni Bong, lalong magiging exciting ang filmfest entry niya na pamamahalaan ng direktor na si Dondon Santos.

Komportableng-komportable si Bong kay Dondon na nakitaan ng husay bilang direktor ng Indio. Actor’s director ang tawag kay Dondon dahil napapaarte niya ang mga artista. Lalong nagiging mahusay  sa pag-arte ang mga magaga­ling na artista kapag siya ang direktor.

Pelikula sa paghahanap kay Jonas, pinuri-puri

Kahapon pala ang special screening ng Burgos sa Bantayog ng mga Ba­yani. Ang Burgos ang kauna-unahang indie movie ni Lorna Tolentino. Nabalitaan ko na very positive ang mga feedback sa Burgos. Marami raw ang naluha sa heartwarming ending ng pelikula.

Hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan si Jonas Burgos. Anim na taon na ang nakalilipas mula nang dukutin siya ng mga militar sa isang mall sa Quezon City. Hindi nawawalan ng pag-asa ang nanay ni Jonas, si Mrs. Edita Burgos na nagdarasal na darating ang araw na makikita niya ang kanyang anak.

Si Lorna ang gumanap bilang Edita Burgos sa pelikula ni Joel Lamangan.
                                                           

Show comments