Pangalawang munting paraiso sa PGH binuksan na

MANILA, Philippines - Ang unang Munting Paraiso sa isang seksyon sa ikalawang palapag ng Philippine Gneral Hospital Cancer Institute (PGH-CI) para sa mga batang maysakit ay proyekto ng Ricky Reyes Foundation.

Bukod sa mga kamang may malambot na kutson, electric fan at maaliwalas na kuwarto ay meron ding malinis na comfort room, library, activity room at amusement room dito.

Kamakaila’y pinasinayaan ang ikalawang Munting Paraiso sa isa pang seksyon ng PGH-CI. Ito’y ipinaayos  at nilagyan ng mga makabagong gamit ng pilantropong si Mr. Hans Sy ng SM Group of Companies.

Nasa larawan ang ilan sa mga batang may cancer at ang kanilang mga tagatangkilik na sina Celine Cle­mente, QC First Lady Tates Gana, Aisha Mercado, PGH-CI Director Dr. Jorge Ignacio, Childhaus Director Dr. Rachel del Rosario, SM’s Mrs. Felicidad Sy, Gov. Chavit Singson, Mader Ricky at Mr. Hans Sy.

Show comments