Nag-number 28 si Ritz Azul sa FHM 100 Search for Sexiest Women at rarampa siya sa Victory Party na gaganapin mamayang gabi sa World Trade Center. Hindi pa alam ng dalaga kung ano ang isusuot, pero ang tiyak, maha-highlight ang 36-26-36 vital statistics niya. Idinagdag nito na walang retoke sa body niya “all natural†pagmamalaki nito.
Sayang at hindi na aabot dahil gusto ni Ritz na mabawasan pa ng 10 lbs., ang timbang niya at maging 36-24-36 ang vital stats, gaya ng vital stats noon ni Vivian Velez na kasama niya ngayon sa Misibis Bay.
Ang kaseksihan ni Ritz ngayon ay dala ng eight days master cleanse na itinuro sa kanya ni Margie Natividad ng TV5, five days bago siya mag-start ng taping ng Misibis Bay, pero kulang pa daw dahil mataba pa rin siyang tingnan sa TV.
Maganda ang feedback ng Misibis Bay, persoÂnally, ano ang nagawa ng show sa kanya?
“Unang nagawa sa akin ng show, nalaman kong kaya ko palang mag-two-piece dahil dati ang akala ko hindi ko kaya. Sa karakter, marami akong natutunan. Si Ritz simple, si Maita palaban. Ilang weeks pa tatatakbo ang soap namin, for sure, may mga matututunan pa ako,†sagot ni Ritz.
Sex symbol na ang tingin kay Ritz dahil sa Misibis Bay at flattered siya, pero gusto pa rin nitong mas makilala siya bilang versatile actress na kaya ang lahat.
Gwen pabalik-balik na sa tacloban
Masaya si Gwen Zamora na kasama siya sa Pinoy Henyo dahil bukod sa Monday to Friday ang airing, full length din ang role niya. Hindi pasulput-sulpot ang karakter niyang si Emily Jane.
Pero itinanggi ni Gwen na nagtampo siya sa GMA 7 at ginustong umalis dahil feeling napapabayaan. Kahit sa Bubble Gang lang siya napapanood, nakilala rin naman siya at nagkaroon ng movie sa Indonesia.
First time ni Gwen na makakatrabaho si Luis Alandy at kilala niya itong magaling na aktor.
Sa nabasa sa script, sabi ni Gwen, mahihirapan daw siya sa crying scene niya dahil masaya ang love life niya. Happy ang aktres sa piling ng boyfriend niyang si Raymond Romualdez, anak ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez.
Ilang beses nang nakapunta ng Tacloban si Gwen, naipakilala na siya ng BF kay Mayor Alfred at sa wife nitong si Cristina Gonzales-Romualdez. Napakilala na rin niya sa lola nitong si former First Lady at ngayon ay Ilocos Norte 2nd district representative Imelda Marcos.
Ibinalita ni Gwen na magbubukas sila ni Raymund at ilang kaibigan ng restaurant sa harap ng Makati Cinema Square sa Makati at tatawaging New Alphabet.
TV5 ayaw na sa lumang concept ng mga programa
Nagulat kami sa balitang aalisin ng TV5 ang shows nilang Face to Face, Ang Latest at Talentadong Pinoy. Malalakas at nagre-rate ang Face to Face at Talentadong Pinoy, kaya nakakapagtaka ang desisyon ng network na tsugihin na ang dalawang shows. Ang Ang Latest naman ay kailangan lang ilagay sa tamang time slot.
Nag-iyakan na raw ang mga taong involved sa mga shows, pero ang sabi, sila rin ang ilalagay sa bagong shows na ipapalit sa tatlong shows na aalisin. Ayaw daw ng management ng lumang concept, kaya papalitan ng new concept.
Soundtrack ng Lady Boss nasa records bars na
Maglalabas o lumabas na ang soundtrack ng pelikulang My Lady Boss na naglalaman ng three versions ng theme song na I’ll Never Go na pinasikat ng bandang Nexxus.
Ang una ay ang duet nina Gian Magdangal at Aicelle Santos na binigyan ng bagong areglo. May female version din si Rita de Guzman at acoustic at male version naman ni Kristoffer Martin. Parehong magaganda ang tatlong versions ng kanta.
Kasama rin sa soundtrack ang Halik ng Aegis na sa movie, kinanta ni Marian Rivera. Narito rin ang Ikaw Lang nina Marc Tupaz ng Shamrock at Maricris Garcia at ang Nandito Lang Ako composed by Sam Santos.
Showing pa rin ngayon ang My Lady Boss, ang second team-up nina Marian at Richard Gutierrez sa direction ni Jade Castro.