MANILA, Philippines - Rumaratsada gabi-gabi sa radyo ang nag-iisang Mutya ng Masa na si Doris Bigornia kasama si AlÂvin Elchico sa programang SRO, Suhestiyon, Reaksyon, Opinyon ng DZMM.
Napapakinggan ang boses ng masa sa pamamagitan ni Bigornia na humihimay sa mga isyu at kontrobersiyang kinakaharap ng lipunan.
Hatid nina Bigornia at Elchico ang talakayang sikÂsik sa kakulitan, nakalilibang na komentaryo at matatalinong kuro-kuro. Tampok din ang mga panayam sa mga personalidad at pulitiko na sasagot sa mga tanong ng mamamayan at magpapaliwanag sa kasalukuyang mga isyu.
Bukod diyan ay inaabangan din sa programa ang nakakaaliw na scoops at nakakaintrigang blind items.
Huwag palampasin ang S.R.O Suhestiyon, ReÂaksyon, Opinyon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng TV Patrol sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), at dzmm.com.ph.