MANILA, Philippines - Kukumustahin nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa Pinoy True Stories: Saklolo ngayong Miyerkules (Hulyo 10) ang iba’t ibang taong nasagip mula sa kalupitan o paghihirap dala ng karamÂdaman ng kanilang mga mahal sa buhay.
Buntis noon si Marites sa kanyang pamilyadong karelasyon na si Alex nang magdesisyon siyang lumayo na. Ngunit ayaw siyang tanÂtanan ni Alex at sinimulang bugbugin, plantsahin sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at tangkaing sunugin. Naghihilom na ang mga sugat ni Marites, ngunit nailigtas ba ang anak niyang noo’y nasa kanyang sinapupunan?
Ibang klaseng pang-aabuso naman ang natakasan ni “Nathan†mula sa kanyang ama na madaÂlas ay kinakagat daw ang kanyang ari at pinapatuÂngan pa siya. Sa ngayon, bagama’t sariwa pa rin sa nanay ng biktima ang mga pangyayari, pinipilit niyang maging matatag para sa anak.
Isang nanay na may tatlong anak na may sakit sa isip naman mula sa Leyte ang nasaklolohan sa tulong ng Lingkod Kapamilya. Nalamang may sakit na bipolar disorder ang isa sa kanila, habang schizophrenia naman ang sa dalawa pa. Ano na kaya ang kalagayan ng magkakapatid matapos ng dalawang buwang pagpapagamot?
Samantala, babalikan ni Karen DaÂvila ngayong Martes, (Hulyo 9) ang daÂlawang kaso o hidwaang naitampok sa Engkwentro na pawang nasolusÂyunan na: ang isang maperwisÂyong baÂbuyan at lamaÂngan sa pamamasada ng pedicab.
Tutukan ang Engkwentro ngayong Martes, (Hulyo 9) at ang Saklolo ngaÂyong Miyerkules (Hulyo 10), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold.