^

PSN Showbiz

Actor na galing sa konserbatibong pamilya at produkto ng reality show, handa nang maghubad sa pelikula

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mukhang handang-handa na magpa-sexy ang aktor na naging produkto ng isang reality show. Sunud-sunod kasi ang paglabas ng kanyang sexy pictorials at kahit galing pa sa isang konserbatibong pamilya ay wala itong takot na i-expose ang kanyang katawan sa publiko sa pa­mamagitan ng kanyang social networking sites.

Tila may pinaghahandaan ang aktor kaya panay ang pagpapasikat niya ng kanyang six-pack abs at mga naglalakihang muscle sa braso at mga binti.

Noong isang taon pa sana ready na magpa-sexy ang aktor at nag-audition pa nga para sa isang sexy na indie film. Nagustuhan siya ng director at dalawa lang silang napagpilian. Mas napili ang nakalaban niyang isang Fil-American dahil mas bagay sa mag­bibidang babae. Masyado raw kasing mestiso ang aktor at mas maganda pa siyang tingnan kesa sa babaeng magbibida.

Ngayon ay balitang pinaghahandaan ng aktor ang isang malaking event kaya todo na sa pagpapaganda ng kanyang katawan. Panahon na para mapansin dahil sawa na raw siya sa paulit-ulit na lang na role na ibinibigay sa kanya sa TV. Kung hindi siya best friend, isa siya sa mga kontrabida ng bida.

Dahil sa pag-aalaga nang maoperahan, John Mayer ipinagsisigawan na ang pagmamahal kay Katy Perry

Mukhang wala nang makakapigil pa sa pagma­mahalan nina John Mayer at Katy Perry.

Sa recent na concert tour sa Milwaukee, Wisconsin ni Mayer, sa Born & Raised Tour,  dedicated niya ang kantang A Face to Call Home sa kanyang ladylove.

Alam ng marami na noong maoperahan sa lalamunan si John ay si Katy ang nasa kanyang tabi all throughout ng kanyang surgery at recovery. Kaya sobrang naka-relate ang mala­king crowd sa pag-profess ng pag-ibig ng rocker sa pop singer.

Noong kasalukuyang nag­­papagaling si John, 10 months itong pinag-vocal rest ng doktor para gumaling agad. Si Katy ang nagsilbing boses ng singer-composer para makipag-communicate sa ilang tao.

“She would order for me...and she would tell people, ‘It’s nice to meet you, he says.’

“When I was in Montana with bad service she was so patient as to continue to get to know me and love me.

“To Katy, who is my face to call home,” sabi ni John sa concert. 

A FACE

CALL HOME

JOHN MAYER

KANYANG

KATY PERRY

MUKHANG

NOONG

RAISED TOUR

SI KATY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with