Pumayag na ring maging nanay ni Sheena Halili sa isang bagong programa ng GMA 7, ina siya ng isang six-year-old boy. Gusto man niyang tanggihan ang offer ay hindi niya magawa dahil GMA ang nag-assign sa kanya. At artista naman siya, first and foremost, kaya kahit anong role kailangang kaya niyang gawin.
Bahala na ang network na pamatyurin ang looks niya kung kinakailangan, sa kaso naman ng Binoy Henyo ay hindi naman kinakailangan. Bata pa ang magiging anak niya ay hindi alangan sa edad niya. Puwede naman siyang nagkaanak bago nagka-edad ng 20.
Itinagong babae ni Jake pumiyok na
Hindi nagtagal ang relasyon ni Joanna Tan kay Jake Vargas. Wala pa silang isang taon, mga pitong buwan lang siguro, ay naghiwalay na sila at bagama’t ayaw na niyang pag-usapan pa ang nakaraan nila ng sikat na ngayong young actor, dahil mula noon at hanggang sa ngaÂyon ay makakasira siya sa love team nito kay Bea Binene, hindi maiwasan na mapag-usapan ito lalo’t may nilalabasan siyang teleserye na tatlu-tatlo ang kinokontrabida niya, sina Barbie Forteza, Krystal Reyes, at Joyce Ching bilang Anna Karenina.
“Sosy ako rito. Pinaitim nga ang buhok ko dahil cheap sabi ni Direk Gina (Alajar, direktor ng serye) ’yun dati nitong kulay. Pinagagaya nga niya sa akin ang acting ni Valerie (Concepcion, gumaganap na nanay nila ni Derrick Monasterio) dahil ganun daw umarte ang mga sosing kontrabida,†kuwento ng batang artista na unti-unti nang nakikilala sa kanyang pagganap bilang kontrabida.
“Sa Stairway to Heaven ako unang napansin nang gumanap ako bilang batang Glaiza de Castro. Sa First Time naman kami naging close ni Jake (Vargas). Dun din nagsimula ang love team nila ni Bea (Binene) kaya bawal kaming magkasama o makita man lamang na nag-uusap. Pero dumadalaw siya ng bahay namin. At kapag pumupunta siya sa amin ay talagang dinudumog siya ng tao, pinagkakaguluhan. Mabait naman si Jake sa kanila, hindi nag-aalala na baka may makakita kung pumupunta- punta sa amin at mapagalitan siya ni Kuya Germs (German Moreno) na tumatayong manager niya hanggang sa ngayon. Pero never akong kinausap nito dahil kay Jake,†ani Joanna na naging runner-up sa Little Miss Philippines nung 1999 na si Dindin Llanera ang naging winner.
Happy si Direk Gina Alajar sa pagiging direktor ng Anna Karenina. Matapos niyang maidirek ang mga batang artista ng bagong serye ay nagkasama na sila sa Tween Hearts kaya alam na nila kung paano sila magbi-behave sa set at alam niya kung ano ang maasahan niya sa kanila.
Gusto nito na maging totoong Anna Karenina si Barbie Forteza.
“Iba ang character niya. Baklang-bakla pero carry niya. Si Krystal naman, ang galing umiyak, hindi paisa-isa ang tulo ng luha kundi tuluy-tuloy at walang patid. Maganda rin ang timing niya,†papuri niya sa mga bagets niyang artista.