Sexy actor kitang-kita na walang alaga, bagsak ang mukha at katawan

MANILA, Philippines - Tumanda nang hindi maganda ang isang sexy actor kumpara sa halos kasabayan din niyang sexy actor. Kapwa rin sila napapanood sa drama series ngayon pero si Sexy Actor 1, hindi inalagaan ang katawan at mukha. Kitang-kita ’yon sa bagsak niyang mukha at katawan kaya naman hindi na siya pansinin kung hindi pa siya mamamansin, huh!

Pero si Sexy Actor 2, napanatili nito ang kakisigan ng kanyang mukha. Although madyubis na rin, maayus-ayos naman ang kanyang hitsura, huh! Napanatili niya ang pagiging baby face niya na isa sa ikinagusto ng manonood sa kanya.

In fact, mas malakas nga ang appeal ni Sexy Actor 1 sa mga matrona at bading. Matapang kasi siyang maghubad at naglabas pa nga siya ng nota sa isang critically acclaimed movie na pinagbidahan niya. Eh, si Sexy Actor 2, ang tambok lang ang pinakikita at walang tapang sa pagpo-frontal!

Kaya naman sa mga artista ngayon, sexy man ang image o hindi, dapat alagaan pa rin ang mukha at katawan nang sa gayon, bumalik man sila sa pag-arte ay makikilala pa rin sila at hindi ’yung sila pa ang kinikilala!

Natokang leader sumasakit na Ang ulo sa kaiisip ng konsepto

Sumasakit na ang ulo ng isa sa leaders ng Sunday All Stars (SAS). Kasi naman, right after ng bawat episode, nag-iisip agad siya ng gagawin ng kanyang grupo sa susunod na Sunday.

Gusto na nga niyang umayaw na lider pero wala siyang choice dahil ’yon ang itinoka sa kanya. Kesa naman maging nganga siya sa trabaho sa network.

Ang napansin namin sa SAS, aba, tinibag na ang grupong La Diva nina Jonalyn, Maricel, at Aicelle. Ang magandang nangyari naman, naipakikita nila ang galing nila sa pagkanta sa mga grupong kanilang sinalihan.

’Yun nga lang, na-stuck na sa pagkanta si Jonnalyn kumpara kina Maricris at Aicelle na pinaaarte na. May kinabibilangan na kaya silang drama series, Salve A.? Hahaha!

Roxanne, normal ang tingin kay Raymart

Si Jillian Ward ang kinababaliwan ni Roxanne Guinoo sa family drama ng GMA na Home Sweet Home kaya naman sa pagtatapos nito ay mami-miss niya ang bagets.

“Napaka-karinyosa kasi ni Jillian. Ang nakakatuwa kasi sa kanya, ’pag nakakaeksena niya ang isang anak ko rito, gusto niya talagang maging artista. ’Yung ’pag sinabing iiyak, sariling sikap siya. Humuhugot siya. Hindi gaya ng ibang bata na pinipilit ng nanay. Siya, hindi. On her own. ’Yun ang masarap katrabaho. Saka mabait na bata. Maganda ang pagpapalaki sa bata.

“Parang ang sarap ng feeling kasi may mga anak na din ako ’di ba? ’Pag nandiyan siya, ka­sing kulit niya ang anak ko. So, nae-enjoy ko,” pahayag ni Roxanne.

Idinepensa rin ni Roxanne ang kapareha na si Raymart Santiago na hindi dinadala sa set ang anumang problema niya.

Pero, ayon sa kanya, “Hndi ako nakikialam. Professional si kuya. Nakikipagkuwentuhan. Normal agad. Game agad. Sumasalo sa kapwa artista. Walang pabigat sa set dito. Walang sakit ng ulo kaya maaga kaming natatapos.”

Show comments