^

PSN Showbiz

JM de Guzman nagpapagaling sa ‘sakit’

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman kaila sa lahat na nagwakas na ang dalawang taong relasyon nina JM de Guzman at Jessy Mendiola. Maraming kadahilanan ang ibinigay ng aktres at isa na rito ang pag-ayaw ng kanyang ina sa aktor. Hindi rin maiwasan na isipin na ang paghihiwalay nila ang naging dahilan nang pagwawalang-bahala ng aktor sa kanyang trabaho na umabot sa pag-alis niya sa isang proyekto na lubhang mahalaga para sa kanya. Ito ang role bilang San Pedro Calungsod na kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Pero hindi tinanggal sa nasabing pelikula si JM, minarapat lamang ng kanyang ama na i-pull out siya dahil naniniwala itong hindi mabibigyan ng kanyang anak ng magandang performance ang role ng pinakabagong santong Pilipino hangga’t may iniinda itong sakit na nakakagambala sa kanyang pag-iisip at nakakaapekto sa kanyang pisikal na kalusugan.

At kahit malaki ang panghihinayang nila sa nasabing proyekto, lalo na ang mga nasa likod ng MMFF entry, wala silang choice kundi ang pakawalan ito at i-wish na katulad ng gusto ng kanyang ama ay maibalik ito sa dati niyang kondisyon. Ayon naman sa ama ng aktor ay mabilis ang recovery ng kanyang anak.

 Talagang gusto niyang mabalikan ang kanyang trabaho. Passion niya ang pag-arte at pagkanta. Maski na raw sa kasagsagan ng depresyon nito ay ang pagkanta ang pinagbalingan nito. Itinuwid ng very supportive na ama ni JM na hindi totoong naghihirap ang anak.

“Hindi naman siya waldas sa pera. Nakapag-ipon din naman siya. At nandito naman kaming pamilya niya para siya suportahan kung kaila­ngan. Mabuting bata si JM at magalang,” pagtatanggol nito sa anak.

Hindi rin naman nagkukulang ng suporta si Jessy.

“Mabuting tao si JM at may talento. Nagugu­lat nga ako sa nababalitaan kong pinagda­da­anan niya. Pero siya ’yun eh. Siya lamang ang makakatulong sa kanyang sarili,” pagtatanggol din ng ex-girlfriend sa aktor.

Enchong wala munang pang-personal na aatupagin

Nagkasunud-sunod lamang ang mga proyekto ni Enchong Dee ay sinasabihan na siyang paborito ng Kapamilya Network.

“Hindi ko maamin ito pero totoo ngang marami akong proyekto, sunud-sunod pa kundi man sabay-sabay. Pero kung sign nga ito ng pagiging paborito ako ng network, siguro naman dahil nakikita nilang hindi ako maarte. Wala akong reklamo kung wala akong tulog at tuluy-tuloy man ang trabaho. 

“Narinig ko ngang aalisin ako sa Tuhog. Nauna ito sa Four Sisters and a Wedding. Pero natapos at natapos ang serye kong Ina, Kapatid, Anak na kasama pa rin ako sa dalawang projects.

“’Tapos ngayon, may kasunod agad ang Ina…, ito ngang Muling Buksan ang Puso. Nang mabasa ko ang script, nakita kong malaki at mahalagang project ito. Isang malaking break. Hindi nakaapekto ang pangyayaring magkakasama kami ni Julia (Montes) na nung nga panahong ’yun ay may problema kami. Hiniling ko sa management na bigyan kami ng workshop para mawala ’yung wall sa pagitan namin at maibalik ’yung da­ting friendship namin. Hindi naman mahirap ang naging adjustment namin. Agad nawala ang ilangan at we were back to being friends. Walang kiyeme ito. Hindi rin namin iniwasan na balikan ’yung naging dahilan ng hindi namin pag-uusap.

“For now wala na munang personal, concentrate muna kami sa serious work,” pahayag ni Enchong sa nakaraang presscon.

Paulo nahirapang maging pipi

Maiibsan na ang pananabik ng maraming ma­nonood ng TV dahil sa matagal ding pamamahinga ni Paulo Avelino matapos ang teleserye nila ni Angeline Quinto at Sam Milby. Mapapanood siya sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong gabi bilang isang pipi.

 â€œSobrang challenging po ng role ko bilang si Apaw. Born mute po kasi siya na pinagmamalupitan ng mga sarili niyang kamag-anak. Ibang-iba ang kuwento ni Apaw kumpara sa una kong MMK na love story kung saan nakasama ko si KC Concepcion. Ito naman ay istorya ng malalim na pagkakaibigan. Hindi lang po siya simpleng kuwento ng may kapansanan. Sa pamamagitan po nina Apaw at Dante, mari-realize natin ang halaga ng pag­kakaroon ng isang tunay na kaibigan na sa ka­bila ng maraming pagsubok ay hindi ka iiwan,” pa­hayag ni Paulo na kasama sa episode si Joem Bascon bilang best friend niya.

Kasama rin sina Jewel Mische, Alma Concepcion, Ismael Clavero, John Vincent Servilla, Glenda Garcia, Tom Olivar, Jamila Obispo, Jerome Ventinilla, at Brace Henry Aquiza. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz dela Torre.

APAW

KANYANG

NAMAN

PERO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with