Enchong pinangangalagaan ang virginity!

MANILA, Philippines - Umabot lang sa 23 days ang mabusising nilikha ng Skylight Films ang kontrobersyal na ‘maindie’ (mainstream-indie) drama movie offering na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Jake Cuenca, Empress, Leo Martinez, at Eugene Domingo, ang Tuhog na mapapanood na sa July 17.

Ayon sa Cinemalaya award-winning director na si Veronica “Ronnie” Velasco, naging very fulfilling ang experience niya sa paggawa ng Tuhog dahil sa kakaibang challenge na ibinigay nito sa kanya bilang writer at direktor.

“On a scale of 1 to 10 as how proud I am about this film? I can say na 12 kasi ang hirap-hirap gawin ng pelikulang ito. Actually, hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako na nagawa namin siyang tapusin in 23 days despite all the logistical nightmares,” sabi ni Direk Ronnie. “Nung sinusulat namin ito ni Jinky Laurel, it seemed like a good idea on paper but getting it on the screen, ibang kuwento ‘yun! Ito na siguro ang pelikulang pinaka-proud ako kasi hindi ko akalain na magagawa ko siya.”

Ibinahagi pa ni Direk Ronnie na dati pa niya naisip ang kuwento ng Tuhog at laking pasalamat niya na nagustuhan ng Skylight Films ang ideya.

“Nasa isip ko na siya early 90’s pa kasi I came across this tabloid picture na may several bus passengers na nasaktan dahil sa isang freak road accident,” aniya. “From the start, it was a challenge to pitch, to produce, and to write this movie. Kapag iisipin mo kasi, it’s about a bus accident, so ano ba ito? Horror? Pero hindi. It’s a daring drama movie about family na seryoso ang tema pero mag-e-enjoy ka.”

Samantala, ipinagmamalaki rin naman ni Direk Enrico Santos, executive director ng Skylight Films, ang pagkakataong ibinigay sa kanila na maging bahagi ng pagdiriwang ng 20th anniversary ng ABS-CBN Film Productions.

Paliwanag ni Direk Enrico, title pa lang ng pelikula ay napakaganda na. “Marami ang ibig sabihin ng tuhog. Pero para sa akin, naganap ang ‘pagtuhog’ sa tatlong tuhog-tuhog na istorya ng pagmamahal,” sabi niya. “Maaaring mysterious ang pagkakakuwento pero kailangang mapanood ng moviegoers dun mismo sa big screen para makita nila ang sinasabi namin.”

“Ang pinakatumutuhog na mensahe dito ay minsan lang tayo mabubuhay, hindi natin alam kung kailan ito biglang manganganib at hindi natin alam kung malulusutan natin ang panganib na ito. Kung ganito ang buhay, gaano ba ka-importante ang magmahal? Dapat bang pigilin mo pa o ilubos mo na dahil baka naman maging huli na ang lahat,” ani Direk Enrico.

Ang Tuhog ay tungkol sa mga ordinaryong tao na naging bahagi ng isang ekstra-ordinaryong sitwasyon. Ito ay kuwento ng pag-ibig, buhay at pag-asa at ng tinuhog na mga buhay ng masungit na konduktora na si Fiesta (Eugene); retiradong maghahanap ng kahulugan ng buhay niya na si Tonio (Leo); at si Caloy (Enchong), ang binatang pinangalagaan ang kanyang virginity para sa kanyang girlfriend (Empress).

Paano tutuhugin ng isang aksidente sa bus ang mga buhay nina Fiesta, Tonio, and Caloy? Paano sila mahihiwa-hiwalay kung ang kahulugan nito’y kamatayan ng isa sa kanila?

Mapapanood ito sa mga sinehan nationwide sa July 17, 2013.

The Mistress ipapalabas na ng libre

Mapapanood na ng libre ang The Mistress nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na ginawa para sa sampung taong anibersaryo ng magka-loveteam. Mapapanood ito sa Cinema One ngayong Linggo (Hulyo 7).

Hinangaan ang kanilang pagganap sa pelikulang ito kung saan ipinakita ni Bea at ni John Lloyd ang kanilang husay sa pag-arte, at dahil sa kontrobersiyal na istorya ng pelikula ay mas lalong nakilala ang lalim ng kanilang pag-arte.

 Sa mga hindi nakapanood, ang pelikula ay tungkol sa isang tagagawa ng mga suit na si Sari (Bea Alonzo) at ang kanyang pagkakilala sa isang gwapong arkitekto na si JD (John Lloyd Cruz) na magre-renovate ng lugar kung saan siya nagtatrabaho. Si JD ay may mga isyu sa kanyang tatay na may kabit. Napaibig si JD kay Sari, pero ang hindi niya alam ay kabit din pala si Sari ng isang mayamang businessman.

 â€œBy far, ito ang pinakamatapang na movie ko,” ang sabi ni Bea tungkol sa kanyang pagganap. “Marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakihin ako sa puso kada eksena.”

Naka-relate naman si John Lloyd sa mga napagdaanan ni Bea nang dahil sa ibang klaseng mga role na kinailangan nilang bigyan ng buhay. Sabi niya, “Very instrumental yung aking personal relationship with the character, dahil si JD ay may matin­ding pinaghuhugutan, he has a very deep, wounded soul at ang daming gustong patunayan, ang daming gustong talikuran.”

Show comments