Singer ibinuking na walang signs na tomboy ang nanay niya: Nanay ni Charice lumabas na sinungaling

MANILA, Philippines - Ay wala palang nakitang kahit anong signs si Charice na tomboy dati ang kanyang ina na si Raquel. Yup, ito ang sinabi niya kahapon sa taped episode ng KrisTV kung saan dinayo siya sa tinitirhan niyang bahay ng programa ni Kris Aquino.

Ito ay kahit sinabi ng kanyang nanay na dati siyang lesbian pero nakinig siya sa kanyang mga magulang kaya nakapag-asawa siya at nagkaanak.

Ang feeling niya gusto lang patunayan ng kanyang mader na puwede rin siyang magbago tulad niya.

Actually, ayon kay Charice sinabi na rin ‘yan ng kanyang ina sa kanya noon pero hindi siya naniwala dahil wala nga siyang nakitang signs na lesbian din ito.

Ang wish niya ngayon ay magkaayos na sila ng kanyang ina na matagal-tagal na rin niyang kasira.

Ang bottomline ng lahat, lumabas na sinungaling ang nanay ni Charice na parang gumigimik lang.

Hindi kaya lalo itong magwala sa mga sinabi ng kanyang anak?

Little Juan suportado ang mga estudyante

Malaking learning experience para sa Kapamilya child star na si Izzy Canillo ang pagganap bilang batang Juan dela Cruz sa top-rating afternoon teleserye ng ABS-CBN na My Little Juan.

“Dahil sa My Little Juan nabago po ang buhay ko. Marami po akong natututunan hindi lang sa pag-arte, kundi pati po sa pagiging mabuting bata dahil sa mga itinuturo ni Fr. Cito (Jaime Fabregas) kay Juan,” pahayag ni Izzy.

Ayon pa sa batang aktor, maging ang kanyang iniidolong Teleserye Prince at bida ng Juan dela Cruz  na si Coco Martin ay nagsisilbing malaking gabay sa kanya. “Palagi po akong sinasabihan ni Kuya Coco na ‘wag masyadong makulit at lagi raw po akong sumunod sa sinasabi ng direktor at ng mga magulang ko po.”

Samantala, kasabay ng malaking pagbabago sa buhay ni Izzy, magsisimula na rin nga­yong Lunes (Hulyo 8) ang Juan dela Cruz Revolution na magsisilbing hudyat ng malalaking pagbabago sa mundo ni Juan kabilang ang paglabas ng bagong karakter, bagong sandata, at bagong misyon para sa mga kabataang Pilipino na Juan Fun School Day.

At bilang suporta para sa mag-aaral, inaanyayahan ni Izzy ang mga Kapamilya na makibahagi sa proyektong Juan Fun School Day na naglalayong mamahagi ng school supplies para sa mga estudyante sa iba’t ibang parte ng bansa.

Makisali sa pagbabagong isusulong ni Little Juan at huwag palampasin ang exciting adventures nina Juan at Fr. Cito sa  My Little Juan, 2:45 ng hapon, pagkatapos ng  It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Blind auditions malapit nang matapos

Nangangalahati pa lang pala ang Blind Auditions ng The Voice of the Philippines. At nanga­ngalahati na rin sa pagpili ng mga manok sina coach apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Ms. Lea Salonga para sa kani-kanilang teams sa pagpapatuloy ngayong linggo ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN.

Sa doseng miyembro kada team na kailangan nilang kumpletuhin, nakaka-anim na ang Team Apl, Team Sarah, at Team Bamboo habang lima naman ang nasa Team Lea. Kabilang sa Team Apl sina Thor Dulay, Cora Dela Cruz, Lorenzana Siblings, Sir Lord Lumibao, Moira Dela Torre, at Cara Manglapus habang sina Junji Arias, Eva Delos Santos, Michaellen Temporada, Morisette Amon, Gab Ramos, at Hans Dimayuga naman ang bubuo ng Team Sarah.

Iwawagayway naman nina Deb Victa, Lee Grane Maranan, Isa Fabregas, Angelique Alcantara, Myk Perez, at Cordovales Father & Son ang bandera ng Team Bamboo o tinatawag ding Camp Kawayan, samantala sina Taw Muhammad, Chien Berbana, Darryl Shy, Radha, at Mitoy Yonting naman ang pambato ng Team Lea.

Sino kaya sa susunod na batch ng artists na sasalang ang papasa sa coaches? Anong team ang unang makukumpleto?

Pinupuna ngayon ang umano’y hindi nagpapalit ng damit ang mga coaches dahil tuhog ang ginawa nilang auditions. Hindi raw nagpapalit. Bakit daw hindi sila nagpapalit.

Dingdong best actor sa gawad tanglaw

Ipinagmamalaki ng GMA 7 ang dalawa sa award-winning artists na sina Dingdong Dantes at Jun Lana matapos kilalanin ang kanilang husay ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw).

Si Dingdong ay kinilala bilang Best Actor para sa kanyang mahusay na pagganap sa One More Try na isa sa mga entries ng 38th Metro Manila Film Festival.

Samantala, nag-uumpisa na si Dingdong na mag-taping para sa kanyang primetime series na Genesis na mapapanood ngayong taon.

Ang Gawad Tanglaw ay isang academe-based award-giving body na kumikilala sa galing ng mga artista, filmmakers, at pelikula na nagpo-promote ng edukasyon, good values, at Filipino traditions.

Show comments