Cha-cha ng Goin’ Bulilit, kinatawan ng ’Pinas sa World Championship of Performing Arts

MANILA, Philippines - Ang katumbas ng Olympics sa mundo ng Performing Arts ay magsisi­mu­la sa Hunyo 12 hanggang 21, at ang isa sa mga minamahal nating batang artista na si Cha-Cha Canete ang magiging kalahok sa Junior Division ng 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Si Cha-Cha ay kabilang sa award-winning comedy program ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit at pati na rin sa Biyaheng Bulilit ng Studio 23 na nakatanggap ng Anak TV Award. Bukod sa kanyang patuloy na pagsikat sa showbiz ay honor student din si Cha-Cha sa kanyang paaralan, ang Diliman Preparatory School, kung saan siya ay nasa ikatlong baitang.

Sa darating na WCOPA, si Cha-Cha ang kinatawan ng Team Philippines bilang isang solo vocalist sa limang kategorya—ang Broadway, Pop, Gospel/Inspirational, Open, at Original. Siya ang magiging pinakabatang Pinoy na sasali sa kompetisyon.

Nang tinanong siya tungkol sa kanyang nararamdaman, sabi niya, “Excited ako pero kinakabahan pa rin kasi ito ang unang kompetisyon na sasalihan ko...at sa Hollywood pa.”

Ang mga tourist destination din na puwede niyang puntahan sa kanyang trip sa U.S. ay nagdadala rin ng kanyang pagka-excited. “Gusto ko rin makita ang Disneyland at Universal Studios,” sabi ni Cha-Cha.

Ang WCOPA ay ang nag-iisang premier international talent competition na nagaganap bawat taon sa showbiz capital ng mundo, ang Hollywood, California. Sasali ang higit pa sa 50 na bansa sa taon na ito.

Naging posible ang pagsali ni Cha-Cha sa WCOPA dahil sa Camella Homes at sa Moose Girl.

 

Show comments