MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hulyo 6) ang mga reklamo ng emploÂyers sa kakapatupad pa lamang na Kasambahay Law sa Failon Ngayon.
Daing ng mga amo, magulo umano ang sistema ng pagpaparehistro sa SSS, PAG-IBIG at PhilHealth para sa benebisyo ng mga kasambahay. Dagdag pasanin din ang obligasyon nilang bayaran ang SSS contributions ng mga ito simula sa buwan na nanilbihan ito sa kanila.
Tulad na lamang ni Imelda del Carmen na may dalawang kasambahay at dalawang taon nang naninilbihan sa kanya. Kaya naman aabot sa halos P20,000 ang bayarin ni Imelda sa SSS para sa contributions ng mga ito mula sa suweldo nilang P3,500 kada buwan.
Tatalakayin din ang pagkahilig ng mga PiliÂpino sa Social Networking Sites dahilan para banÂsagan ang Pilipinas bilang Social NetÂÂworÂking Capital of the World. Maging ang kinababaliwang mobile game na Candy Crush ay hihimayin din.