^

PSN Showbiz

Kathryn aminadong nagbabago nang pakonti-konti ang ilong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga nagsasabing si Kathryn Bernardo raw ang sumusunod sa mga yapak ni Kim Chiu.

Bukod sa namamayagpag na career ni Kathryn ay may mga intrigang ikina­kabit din sa dalaga katulad ng mga isyung kinasangkutan ni Kim noon. Isa na rito ay ang pagiging anorexic diumano ni Kathryn kaya napagkukumpara sila ni Kim ngayon. “Hindi, feeling ko iba naman. Mas mataba naman yata ako. Gano’n kasi talaga built ng katawan. And sabi nila sa TV, sakto lang talaga siya. So I don’t know, hindi naman ako nagpapapayat,” bungad ni Kathryn.

Ayon sa dalaga ay malakas naman daw siyang kumain lalo na kapag napupuyat sa taping at shooting. “Gusto ko ng chips and chocolates. Hindi ‘yun mawawala kapag taping. May cooler ako na puno ng chocolates and mga baon ko, ‘yun ang energy booster ko,” pagtatapat ni Kathryn.

Ang isa pang isyu tungkol sa aktres ay ang diumano’y pagpapaayos nito ng ilong na napapansin na raw ng mga nakakakita at nakakapanood sa kanya. “Hindi po talaga, mamatay man ako. Siguro lang as I grow older, nagbabago nang pakonti-konti. Pero kung sa inayos, wala,” paglilinaw ng dalaga.

Aminado rin si Kathryn na hindi siya interesado magpaayos o magpa-enhance ng kahit anong parte ng kanyang katawan.

Empress pinapasaya si Marco

Si Joseph Marco na ang bagong katambal ni Empress ngayon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pagsasama nila sa isang malaking proyekto kaya malaki ang pasasalamat ng dalawa sa tumatangkilik sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. “Siyempre masaya kami na talagang sinubaybayan nila ng buong-buo ang Huwag Ka Lang Mawawala at sana patuloy pa rin ang kanilang suporta,” nakangiting pahayag ni Empress.

“Ako siyempre sobrang thankful ko na ang daming sumusuporta kasi it’s been so long na ginawa namin ‘to, buti naman umere na siya. Kaya sobrang thank­ful lang sa init ng pagtanggap ng mga Kapamilya,” pahayag naman ni Marco.

Napahanga raw ang binata sa pagiging magaling na aktres ni Empress at marami rin daw natututunan si Marco mula sa aktres. “Sobrang galing niya lang talaga. Parang kapag kaeksena ko siya, talagang nakakahugot ako sa kanya. Kaya nga sobrang thankful ako na siya ‘yung naging love team ko. In a way, parang nawo-workshop niya rin ako sa eksena, kaya thank you,” kuwento ni Marco.

Inspirado raw ang binata kay Empress ngayon. “Yes, she makes me happy and happy ako na katrabaho ko siya,” makahulugang pahayag ng aktor.

May pag-asa kaya kay Empress si Marco kung sakaling ligawan siya nito sa totoong buhay? “Siyempre hindi ko masasabing masasagot ko ‘yan ngayon dahil ngayon lang naman kami nagkasama, nagkakilala. Siguro, sa tamang panahon. Kahit naman sino hindi agad-agad masasagot ‘yun. Siyempre kailangan kilalanin muna ‘yung isa’t isa,” giit naman ni Empress. Reports from JAMES C. CANTOS

                        

AKO

EMPRESS

HUWAG KA LANG MAWAWALA

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

NAMAN

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with