MANILA, Philippines - Pati pala baby buo na ang bayad sa mga sinehan ngayon. Nagrereklamo ang isa kong kaibigan na mahilig manood ng sine kahit may karay-karay na anak na wala pang isang taon. Kasi ba naman daw, ang singil sa anak niyang walong buwan pa lang, buo na. As in kung P210 ang bayad niya, ganundin ang sinisingil sa anak niyang wala pang isang taon kahit hindi naman gagamit ng upuan o manonood ng palabas.
Mahilig lang talaga ang kaibigan kong ito na manood ng sine eh walang maiwanan ng anak so wala siyang paki, basta manonood siya. Kaya lang ang inirereklamo niya ay ang bayad ng anak.
Kaya pinatatanong niya kung ganun ba talaga ang sistema. Kasi nga naman sa concert, let say sa Araneta Coliseum, may height requirement ang manood na bata (unless pambata ang palabas magbabayad na sila). Pero kung concert kahit ng foreign artists pag 3 to 4 years old, wala pang bayad. So ang ipinagtataka niya, bakit sa mga sinehan meron? At buo ha. Hindi man lang kalahati.
Anyway, sinehan lang ba ang nag-i-implement ng ganitong policy o implemented ito ng mga samahan ng mga sinehan?
Wala bang consideration ang mga sinehan sa mga bata pa at sinisingil ng bayad na pang matanda?
Siguro kung iba-iba ang kaibigan kong ito, bibili na lang siya ng pirated CDs at sa bahay na lang siya manood. Pero iba raw kasi pag sa sinehan siya nanonood.
Karamihan kasi ngayon, nanghihinayang magbayad ng mahal na singil sa mga sinehan kaya naman namimili na lang sila ng pirated CDs, marami pa silang makakapanood sa bahay nila, wala pang gastos sa pamasahe at pagkain.
Pelikula nina Marian at Richard, pumatok!
Masayang-masaya si Mother Lily Monteverde sa resulta ng pelikulang My Lady Boss na bida sina Richard Gutierrez at Marian Rivera.
Nagsimulang ipalabas ang pelikula last Wednesday na medyo masama ang panahon pero hindi ‘yun nakaapekto para hindi panoorin ang pelikula nina Richard at Marian.
Palabas pa rin ang pelikula sa mga sinehan kaya sa mga hindi pa nakakapanood, watch na kayo. Produced ito ng GMA and Regal Films.
Anyway, kahapon ay personal na nagpasalamat kay Mother Lily si Sen. Sonny Angara na isa sa 13 kandidatong senador na inendorso ng Regal matriarch kasabay ng thanksgiving party sa entertainment press ng bagitong senador.
Pang-anim si Sen. Angara sa 12 na nanalo na aminadong 90 days siyang walang matinong tulog dahil sa kampanya na may kahalong kaba bago nag-election last May. “Nakatulog lang kami nang makita naming 5 million na ang boto ko,†sabi ng batang senador na galing ng Baler, Quezon sa maiksing pakikipagtsikahan kahapon.
Restored copy ng Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag ipalalabas
Pangungunahan ni Bembol Roco ang Philippine premiere ng bagong restoÂred na obra ng henyong si Lino Brocka na Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag na gaganapin sa July 6, Sabado sa UP Film Institute Cine Adarna. Ito ay matapos magkaroon ng screening ang Maynila… sa Cannes Film Festival’s Classics section last May 17 kung saan dumalo si Hilda Koronel, leading lady ni Bembol sa nasabing pelikula.
Ang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag (1975) ang nagbigay ng break kay Bembol para kilalaning magaling na aktor ng Philippine Cinema.
Pinuri-puri ang acting niya bilang si Julio Madiaga, isang probinsiyano who wrestles with the city to seek out his love, Ligaya Paraiso played by Hilda.
Sa kabuunan ng pelikula, naranasan ni Bembol ang hirap sa Maynila at napalitan ang kanyang pagiging inosente ng galit.
Dahil sa galing na ipinakita niya (Bembol) sa pelikula, nanalo siya noon sa FAMAS ng Best Actor.
This historic event will be garnering attention internationally as well, as Benjamin Illos and Paolo Bertolin – from the Cannes Film Festival Director’s Fornight and the Venice Film Festival respectively – will be in attendance together with Pierre Rissient, the man responsible for bringing Lino Brocka to Cannes decades ago.
Malamang na dumalo rin sa nasabing premiere ang ilan pang nabubuhay na cast at crew ng pelikula. Imbitado rin ang mga kilalang local filmmakers including FDCP’s 2013 All-Master Film Festival participants kasama ang dignitaÂries, members of the arts and cultural community, delegates from the diplomatic corps, and representatives of relevant agencies and organizations.
Ang exclusive premiere ay organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) together with the UP Film Institute.