Kaya naudlot bahay na bibilhin ni Kris nagka-problema sa tax!

Hindi pala matutuloy ang paglipat nina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby sa July 16, sa Ayala, Alabang dahil hindi itinuloy ng TV host-actress ang pagbili sa nagustuhang bahay. Tila may problema sa real estate tax ang bibilhin sanang bahay at ayaw ni Kris ng ganoon.

Kaya pala since last week, nagha-house hunting na naman ito. Nanghinayang tiyak ito na hindi natuloy ang pagbili ng bahay sa Ayala, Alabang dahil gusto ni Josh sa location at gusto rin ni Kris dahil malaki ang kitchen. In-imagine na nga nito ang mga gamit na ilalagay sa kitchen at dining room.

Naka-schedule na rin ang blessing sa July 16, 6 a.m., at kinausap na ang kaibigang pari. Pati mga unang ipapasok sa bahay gaya ng incense at dayap ihahanda na sana ni Kris. Ang nangyari, sa halip na maghanda sa paglipat, umalis muna ang mag-iina para magbakasyon sa Amanpulo at sa Sabado na ang balik.

Mark at Jennylyn tuloy na ang balikan

Akala namin tsika lang na may balak ang GMA 7 na ibalik ang tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, totoo pala dahil maraming tao na ang naringgan namin sa balitang ito. In fairness, marami pa rin ang excited na muling mapanood ang mag-ex sa soap.

Ang balita pa, makakasama raw nina Jennylyn at Mark si Mark Antho­ny Fernandez na mukhang handa na uling magtrabaho at tapos na ang one month vacation. The last time na makausap namin si Mark, sabi nito, mag-a-unwind lang siya ng ilang linggo at magpapapayat dahil tumaba siya while doing Bukod Kang Pinagpala.

May nabasa na kaming title ng soap na pagsasamahan nina Jennylyn, Mark, at Mark Anthony, pero baka mapalitan pa ‘yun.

Parehong masaya na sina Jennylyn at Mark sa kani-kanyang love life at hindi ito ang first time nilang pagtatambal, walang pagseselosan si Luis Manzano. Si Ynna Asistio naman na aminadong fan ng love team nina Jennylyn at Mark.

Bagong bahay nila Karla galing sa kita sa commercial

Nakita namin si Direk Ricky Davao sa presscon ng mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla para sa Lily’s Peanut Butter. Akala namin si Ricky ang director ng TVC ng mag-ina, ‘yun pala close friend niya ang owner ng masarap na brand ng peanut butter, kaya present siya sa presscon.

Masaya ang presscon dahil may pa-raffle (hindi kami nanalo) at pinakagusto ng press ay ‘yung “get all you can portion.” Naglagay ng Lily’s Peanut butter in all sizes and variants, may coco jam pa at ibang produkto at libreng kumuha ang press hangga’t kaya. Parang nag-gro­cery ang press sa mga inuwi.

Sa interview sa mag-ina, bi­nuking ni Karla na Peanut Butter baby si Daniel dahil bata pa, favorite sandwich spread na niya ito at paboritong baunin sa school. Nabanggit din ni Karla na ‘yung sala at ilang poste sa bagong bahay nila ay galing sa talent fee nilang mag-ina bilang first celebrity endorsers ng Lily’s Peanut Butter.

Geoff hindi kayang panoorin ang lovescene ni Carla

Mabuti at hindi nagseselos si Geoff Eigenmann sa lovescene ng GF niyang si Carla Abellana at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover. Okey lang ang kissing scene dahil hindi ‘yun maiiwasan, pero ibang usapin kung lovescene at bilang ng viewers, nakaka-dalawang passionate love scenes na sina Carla at Tom sa nasabing hit and controversial soap ng GMA Network.

Sabagay, nabanggit ni Carla na nanonood si Geoff ng serye nila, pero ‘pag lovescene, hindi ito nanonood.

Show comments