MANILA, Philippines - Isang thanksgiving outreach program ang idinaos kamakailan ng cast ng ABS-CBN top-rating family drama na Annaliza sa Barangay NBBS, NaÂvotas City. Pinangunahan ng rising teleserye prinÂcess na si Andrea Brillantes, kasama ang iba pang child stars ng soap na sina Kyline Alcantara, JilÂlian Aguila, John Vincent Servilla, Dale Baldillo, at Rein Tolentino, ang pamimigay ng school materials tulad ng textbooks sa mga bata roon. Sabay-sabay din silang nagsalu-salo para sa isang simpleng merÂyenda. Game na game rin silang suÂmayaw kasama ang piling bata sa pagtitipon, habang magkahiwalay na song numbers naman ang iniÂhandog ni Andrea at ng ate niya sa teleserye na si Kyline.
Layunin ng event na dinaluhan ng humigit-kumulang sa 300 residente ng barangay ang magpasalamat sa mga taong walang sawang sumusuÂbayÂbay sa Annaliza lalo na sa mga taga-Navotas kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena ng pilot week ng soap. Hindi pa rito nagtatapos ang pagtulong ng Annaliza dahil mga batang may kaÂramÂdaman at mga batang inabuso mula sa mga instiÂtusyon ang susunod na bibisitahin at papasayaÂhin ng cast. Huwag palalampasin ang Annaliza gaÂbi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.