GMA Records abala sa mga alagang singer

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng 2nd quarter ng 2013, patuloy ang GMA Records sa pagkilala sa mga talento ng mga Kapuso artist na sina Julie Anne San Jose, Kris Lawrence, Persephone, Yelle, at Blanktape ganoon din ang dalawang mahuhusay na mga proyekto na Bayan Ko at My Kontrabida Girl.

Matapos ang kanyang matagumpay na solo concert na It’s My Time, patuloy ang pamamayagpag si Julie Anne dahil sa pagtamo ng kanyang self-titled debut album ng Quadruple Platinum Record status with over 60,000 units sold, para sa combined physical CDs at digital downloads. 

Kamakailan din ay napili ang kanyang latest single na For Everything bilang Brgy. LS Most Wanted Song of the Week at siya ring magiging theme song ng upcoming Koreanovela na My Daughter Seoyoung. Maaari nang i-download ang For Every­thing bilang ringback tune. I-text lamang ang JA6 o JULIE6 sa 2447 para sa Smart at 2370 naman para sa mga Globe subscribers.

Samantala, punung-puno naman ng pagmamahal ang pinakabagong album na Spread the Love ng R&B Prince na si Kris Lawrence. Pangungunahan ang kanyang 12-track album ng single na Ikaw Pala, na siyang love theme sa pinakabagong Koreanovela ng GMA, ang Padam Padam. Kasalukuyang available sa digital format, siguradong pananabikan ng Ka­pu­so fans ang signature vocal stylings ni Kris Lawren­ce. Tiyak na magpapalambot sa mga puso ng mga tagapakinig ang mga kantang Sabihin Mo Naman, Night­mare, Tell Me, I Wanna Know, Unbreakable, I’d Rather Be Alone, Try Again, at Make Me Whole. 

Speaking of love, heto na ang female-fronted act na Persephone na handa nang maghandog ng mga awiting tungkol sa love at relationships. Baguhan man sa music industry ang lead singer na si Barbara Jeanne na siyang sumulat ng kantang Bakit Ngayon ni Julie Anne pero siguradong kakaibang listening ex­perience ang handog niya sa mga kantang Para sa ’Yo, 1,2,3, Ang Saya, at Di Pa Sapat. 

Hindi rin pinalampas ng GMA Records ang paglalabas ng album na Sana’y Mapansin Certified Ka-Pusa ni Blanktape. Ilan sa kanyang mga pinasikat na kanta ay ang Banana, Jejemon, Chika Lang ’Yon, at Pechay na naging hit sa mga radio listener nationwide.  Mabibili na ang album sa mga major record outlet nationwide at available na rin in digital format sa iTunes, Amazon, Spotify, at OPM2GO.

Kakaibang songwriting naman ang handog ng pinakabagong OPM muse na si Yelle sa kanyang first single na Bubble.  Kamakailan lamang ay nakuha niya ang #21 spot sa iTunes’ Top Songs. Maaari na ring mapakinggan ang Bubble sa Amazon, Spotify, at OPM2GO.

Sa 2nd quarter ng 2013, kabilang din sa listahan ng GMA Records ang paglalabas sa DVD ng Volume 1 at 2 ng kauna-unahang original series ng GMA News TV, ang Bayan Ko. Pinagbibidahan ito nina Rocco Nacino, Pen Medina, Ping Medina, Mercedes Cabral, LJ Reyes, Betong Sumaya, at Love Añover. Inspirasyon nito ang buhay ni Jesse Robredo gayon din ang social realist films ni Lino Brocka sa direksiyon ni Adolfo Alix, Jr.

Nasa DVD na rin ang romantic-comedy movie ng GMA Films na My Kontrabida Girl na pinagbibidahan ng Kapuso leading lady na si Rhian Ramos at Kapuso hunk Aljur Abrenica kasama ang tween stars na sina Bea Binene at Jake Vargas.

Kakaibang entertainment experience pa ang naghihintay sa mga Kapuso fans dahil malapit na rin ang paglalabas sa Q3 2013 ng GMA Records ng Best of Bubble Gang at ng indie film Rakenrol sa DVD. Abangan din ang digital single na Teddybear ni Cilope, isang Filipino singer based in Belgium, at Ayoko Na mula sa album na Pag Wala Na ang Ulan ng phenomenal diva na si Jessa Zaragoza.

Show comments