Bagong serye ni Gerald nabalam na nang nabalam!
Matagal nang pinag-uusapan ang bagong teleserÂye ni Gerald Anderson na Bukas Na Lang Kita Mamahalin pero marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin ito ipinalalabas hanggang ngayon.
“We’re all very excited. Marami pang magandang shows ngayon so, we just have to wait and see. Hindi naman ako nagmamadali, kumbaga, sa right time pa siguro. Abangan n’yo po. I’m sure magugustuhan n’yo,†nakangiting bungad ni Gerald.
Samantala, nalalapit na rin ang pagpapalabas ng pelikulang OTJ o On the Job ng aktor. NaÂging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa Cannes International Film Festival na ginanap sa ibang bansa kamakailan. Umaasa si Gerald na tatangkilin din ito ng masang Pilipino kapag ipinalabas na ang nasabing pelikula sa bansa. “Sana po panoorin dahil mainit ’yung pagtanggap sa abroad. Sana dito rin. Sobrang proud lang ako bilang isang Pinoy at kasi nire-represent ko ’yung Pilipinas,†paliwanag ng aktor.
Jake nag-enjoy sa mga karanasan kay Eugene
Si Jake Cuenca ang leading man ni Eugene Domingo sa pelikulang Tuhog na ipalalabas na sa mga sinehan sa susunod na buwan. Ayon sa aktor, marami siyang natutunan mula sa magaling na comedienne habang ginagawa ang nasabing proyekto.
“Every sequence nag-enjoy ako. Para kaming naglalaro the whole time. The thing about her is matsa-challenge ka eh kasi napakahusay niya talaga at kailangan mo talagang husayan kasi kung hindi kailangang i-challenge mo rin siya para mag-enjoy din siya sa eksena.
“It’s dramedy. It’s a drama slash comedy. Masaya na nakasama ko siya sa mga eksena na comedy ’tapos medyo naipakita ko rin sa kanya ’yung kakayahan ko pagdating sa drama,†pahayag ni Jake.
Nahirapan kunan ang maseselang eksena nina Jake at Eugene dahil nagkailangan ang dalawa.
“Parehas kaming nailang sa totoo lang pero we hit it off right away. Day one pa lang parang naging magkaibigan na kami agad and before this movie I never really met her. I was just a big fan of her. So at first medyo na-starstruck talaga ako sa kanya pero eventually nag-enjoy na ako sa experience na ito. There’s a fair amount of physical scenes na makikita n’yo. Merong mga eksena sa kama. Siyempre magsyota kami rito,†natatawang kuwento ng binata.
Isang malaking karangalan para kay Jake na makatrabaho ang kanyang iniidolong artista na katulad ni Eugene.
“She’s a phenomenal actress. I think she’s one of the best actresses we have in the Philippines and it was really an honor to work with her. Sa uulitin sana talaga magkatrabaho kami ulit,†giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest