Maganda ang role ni Lorna Tolentino sa GeÂnesis, ang coming soon primetime show ng GMA 7.
Anak ng Vice President ng Pilipinas na naging pangulo ng bansa ang papel ni LT sa teleserye na pinagbibidahan nila ni Dingdong Dantes.
Nag-taping ang cast ng Genesis sa Baguio City dahil naroon ang presidential mansion. Ang Genesis ang second primetime show ng GMA 7 na pagsasamahan nina LT at Dingdong dahil sila ang magkapareha sa Pahiram ng Sandali. Kung lovers sila sa Pahiram ng Sandali, mortal enemies ang dalawa sa Genesis.
Halos araw-araw ang taping ni LT. Pagkatapos kunan ang mga eksena niya sa Baguio City, tumuloy siya kahapon sa PangaÂsinan para sa kanyang ibang mga eksena sa Genesis.
Yasmien malamang nanalo rin kay Baron kung itinuloy ang demanda
May mga nagsasabi na kung itinuloy ni Yasmien Kurdi ang demanda niya laban kay Baron Geisler, baka nag-win din siya tulad ng nangyari sa kaso ng aktor at ni Patrizha Martinez.
Unang nagdemanda si Patrizha dahil year 2008 nang mangyari ang panglalaswa sa kanya ni Baron at 2009 nang magreklamo si Yasmien ng pambabastos laban sa aktor dahil sa ginawa nito sa kanya sa taping ng isang TV show.
Humingi ng tawad si Baron kay Yasmien at nagpatawad naman ito. Nagdusa si Yasmien sa pagpunta sa korte dahil nag-aaral siya noon. Talagang hindi siya pumapasok sa school para maka-attend sa hearing sa malayong korte ng Bocaue, Bulacan.
Siguro naman, may lesson na natutunan si Baron sa naging problema nila noon ni Yasmien na happily-married na ngayon.
Lani nanumpa rin sa harap ni Sen. Bong
Nanumpa si Lani Mercado bilang re-elected house representative ng Bacoor sa St. Michael’s Church sa Bacoor, Cavite noong Lunes.
Siyempre, nanumpa si Lani sa harap ng kanyang loving husband na si Senator Bong Revilla, Jr. at sinaksihan ito ng kanilang mga anak.
Si Lani ang pangalawang showbiz personality-turned-public servant na nag-oath taking sa harap ng kanyang asawa.
Nauna si Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil ang kanyang mister, si Senator Ralph Recto, ang nag-administer ng kanyang oath-taking sa Kapitolyo ng Batangas noong nakaraang Biyernes.
Pangalawang term na ni Lani bilang house representative ng nag-iisang distrito ng Bacoor. Marami pa ang plano ni Lani para sa ikauunlad ng kanyang distrito. Kulang na kulang ang isang term para maipatupad niya ang mga project na pakikinabangan ng mga kababayan nila ni Bong sa Bacoor.
Lady Boss showing na ngayon
Reminder, ngayon ang first day sa mga sinehan ng My Lady Boss. Suportahan natin ang bagong pelikula nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, pati na ang ibang Pinoy movies para matulungan natin ang local movie industry.
Ang sabi ng mga dumalo sa premiere night ng My Lady Boss, nakakatawa ang mga eksena kaya siguradong naka-smile kayo, pagkatapos manood. Nakakaaliw raw ang mga bloopers nina Richard at Marian na mapapanood sa ending ng pelikula.