^

PSN Showbiz

Kris at James nagkita, pinagharap sa korte na walang mga abogado

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Successful ang premiere night ng My Lady Boss na ginanap sa Cinema 10 ng SM Megamall kamakalawa ng gabi.

Dinagsa ng mga grupo ng fans ni Ri­chard Gutierrez at suportado rin ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang naturang pelikula.

Maganda ang feedback ng mga nanood at excited sina Richard at Marian sa pagsisimula ng showing nito bukas.           

Dahil sa magandang chemistry, wish din ng dalawa na sana magsama raw sila sa isang drama series, kung tuloy pa rin si Ri­chard bilang Kapuso actor.

PAK : Napansin naming dumalo ang ina ni Sarah Lahbati na si Estrella Lahbati na bumalik na pala ng bansa tatlong linggo nang nakaraan.

Sabi ni Richard, inimbita raw niya ang ina ni Sarah at nagpasalamat ang aktor na dumating ito.

Sabi ni Mommy Estrella, malapit na raw bumalik dito si Sarah para harapin ang lahat na isyung kinasangkutan niya.

Pero nasa Paris pa raw ngayon ang young actress dahil marami raw silang mga kamag-anak doon.

Ayaw niyang magkomento tungkol sa kaso ng anak, at hindi raw totoong buntis si Sarah.

BOOM : Nagharap kahapon ng umaga sina James Yap at Kris Aquino sa sala ni Judge Cristina J. Sulit ng Branch 140 ng Makati RTC kung saan dinidinig ang kasong Declaration of Nullity of Marriage ng dalawa.

Pinag-usapan sa nasabing hearing ang schedule at venue ng visitation rights na hinihingi ni James para sa kanilang anak na si Bimby.

Dapat ay hindi darating si Kris pero hiniling ng korte na papuntahin ito kasama ang anak nilang si Bimby para ma-finalize na ang visitation rights para kay James.

Kaya nagkaroon ng break ng halos isang oras para hintayin ang pagdating ni Kris.

Nagharap sila sa chamber ni Judge Sulit na walang kasamang abogado para maayos na ang pagkikita ng mag-ama.

Pero binawalan pa rin silang magsalita dahil sa gag order ng korte.

Pareho naman nilang sinabi na masaya sila sa naging desisyon ng korte tungkol sa pagbisita ni James sa anak kay Kris.

vuukle comment

BIMBY

DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE

DINGDONG DANTES

ESTRELLA LAHBATI

JAMES YAP

JUDGE CRISTINA J

JUDGE SULIT

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with