Binabantayan din ng nanay hanggang CR: Xian Lim kinairitahan ng mga kasakay sa eroplano

MANILA, Philippines - Nairita ang ilang nakasakay sa eroplano ni Xian Lim noong Linggo galing Cebu. Kuwento ng isang eyewitness, late na raw sumakay ng eroplano si Xian, na malamang ay nakipaglibing sa mother ni Kim Chiu, kaya halos puno na ang overhead compartment ng eroplano.

So nagdadabog daw ito dahil wala nang masiksikan ang kanyang hand carry bag sa overhead cabin. At nang finally ay naipilit ilagay, halos ibalibag din daw nitong isinara kaya nakaagaw ng attention sa mga iba pang pasahero ng eroplano.

Bukod sa pagmamaldito raw nito, nag-feeling pa ito dahil hanggang sa comfort room ng eroplano ay binabantayan diumano ito ng kasamang ina. “Parang feeling niya yata pagkakaguluhan siya ng mga nasa eroplano. Sadly, hindi siya pinansin. Iilan lang ang tumingin sa kanya,” sabi ng eye witness.

Hanggang sa pagbaba raw ay todo-bantay ang nanay.

Uy ganun pala siya. Wala sa hitsura niya na maki-nanay siya na kaila­ngang bantayan hanggang sa CR.

Tatay ni Sarah kasama sa kanyang bagong album

Uy kasama pala sa ginagawang bagong album ni Sarah Geronimo ang kanyang daddy  Delfin.

Mismong si Sarah ang nagbuking sa ginagawa nilang recording ng daddy Delfin sa kanyang Twitter account.

 â€œRecording a duet with my Daddy Delfin pogi for my new album. Coming out really soon!” sabi ni Sarah sa kanyang Twitter account na @JustSarahG.

Si Sarah ang personal na namimili ng mga kantang isasama sa kanyang bagong album na wala pang final title under Viva Records.

Concentrated siya sa nasabing album dahil matagal-tagal din siya hindi naharap ang paggawa ng album na ang huli ay all-Tagalog revival pa.

Malaki ang contribution ni Sarah sa mga kanta sa lalabas niyang CD.

Nanay ni Daiana, nagsalita na sa nangyaring pagbaril sa sarili ng manugang na Kongresista

Nanatiling tahimik si Daiana Menezes sa nangyaring pagbaril sa sarili ng kanyang asawa na si dating Cong. Benjo Benaldo.

Wala siyang sinasabi at hindi na siya nagpaparamdam sa Twitter or Instagram.

Pero nagsalita naman ang kanyang mader sa ABS-CBN na hindi umaalis ang anak niya sa tabi ng asawa nitong pulitiko na hanggang ngayon ay nasa St. Luke’s Hospital pa rin (QC) at nagpapagaling matapos ngang mag-attempt na magpakamatay.

Buti na rin lang at nandito sa bansa ang nanay ni Daiana na balitang may kaya ang pamilya sa Brazil kaya can afford naman mag-stay dito ng matagal.

‘Di ba sila pa nga dati ang nag-volunteer na sila ang gagastos oras na pa­kasal si Daiana.

Yam tuwang-tuwa sa extension ng Dugong Buhay

Tuwang-tuwa si Yam Concepcion na extended ang afternoon serye nila sa ABS-CBN na Dugong Buhay.

Maganda raw kasi ang feedback at mataas ang rating kaya hindi muna tinapos.

Two to three months daw ang extension pero hindi ito book 2 dahil hindi na raw pumayag si Carlo Caparas, ang may-ari ng kuwento.

“At least sure na sure na kaming may trabaho for two months,” say ni Yam na unang nakilala sa sobrang daring na pelikulang Rigodon.

Hindi niya kailangang magpa-sexy sa Dugong Buhay except sa ilang kissing scene nila ng leading man niya sa serye na si Ejay Falcon.

Anyway, nauna nang sinabi ni Yam na pangarap niyang mag-Darna pero parang wala pa namang nagaganap na audition. Seryoso siya sakaling matunugan niya ang audition.

French films ipapalabas sa FDCP Cinematheques

The Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamamagitan ng Film Cultural Exchange Program (FCEP), ng Alliance Francaise and the Embassy of France, is proud to present a series of French films to be screened at FDCP Cinematheques.

Limang titles ang kasama sa selection - Ensemble, C’est Trop / Together is Too Much (2010) - is about the decaying relationship of Marie-France and Henri that eventually affects the lives of the other family members.

Pangalawa ang Angele et Tony (2010) na isang multi-award winning film tungkol sa relationship between a beautiful young woman and a professional fisherman – Angel and Tony – who end up taming each other by teaching her the tricks of the fishing trade.

Pangatlo ang Liberte (2009) na pinaka-popular sa ginanap Montreal World Film Festival. It covers the story of a family of gypsies who are fighting for their freedom to live and travel.

Sunod ang Qu’un Seul Tienne et les Autres Suivront / Silent Voice (2009) na isang multi-award winning film about three stories of love, treachery and deception, co-mingling in the visitor’s center of a prison.

At ang pinaka-huli ay ang Les Neiges du Kilimandjaro / The Snows of Kilimanjaro (2011), a film that was nominated for the Un Certain Regarde section of the prestigious Cannes Film Festival. It centers on the a couple that seeks vengeance after their house has been robbed.

Nauna nang nagkaroon ng French Film Festival noong June na nagsisilbing instrumento para sa selebrasyon ng passion for cinema ng France na sinasabing birthplace ng cinema at ng bansa.

The films will be screened at designated FDCP Cinematheques: in Baguio from July 5 to 9, Iloilo from July 14 to 17, and in Davao from August 2 to 4. 

 

 

 

 

 

 

Show comments