Character actress na-stroke habang nagpe-perform sa CCP

PIK: Na-stroke ang character actress na si Amable Quiambao nung nakaraang Biyernes ng hapon habang nagpe-perform ito sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP), Pasay City.

Kaagad na isinugod ito sa San Juan de Dios hospital at kinabukasan ay inilipat ng Philippine Heart Center pero wala raw available na kuwarto para sa aktres. Kaya dinala na nila ito sa Capitol Medical Center at minu-monitor pa ang kalagayan hanggang ngayon.

So far, nasa mabuting kalagayan naman ang aktres pero patuloy silang humihingi ng dasal para sa kaligtasan ng magaling na aktres.

Si Amable ay tiyahin ni Miriam Quiam­bao.

PAK: Magaling palang magluto ang isa sa mga bida ng Anna Karenina na si Joyce Ching.

Hilig pala niya ang pagluluto kaya nag-aral pa ng culinary arts. Pero nung naging abala na ito sa mga taping niya sa GMA 7 ay tumigil na muna ang teen actress.

Pinag-iisipan ni Joyce na ituloy ang pag-aaral ng culinary arts pagkatapos ng Anna Karenina.

Isa pala sa mga bonding nila ni Kristoffer Martin ang pagkain at type na type ng young actor ang mga luto niya. Pasta ang type na ginagawa ni Joyce na gustung-gusto niyang kainin.

BOOM: As of Saturday, tahimik pa rin si Daiana Menezes at wala pa itong pinapaunlakang interview kaugnay sa attempted suicide na ginawa ng asawang si outgoing Congressman Benjo Benaldo.

Maaaring pinapanood ni Daiana ang special report ng Startalk kaugnay sa nangyari sa asawa. Nagpadala ng text message ang kampo nito dahil hindi pa sinasagot ni Daiana ang mga tawag at text message na ipinapadala namin sa kanya.

Ayon sa text message na ipinadala sa amin, “She’s (Daiana) still in shock. She got the news while taping. Now she’s taking good care of her husband.

 â€œWe will release a statement later on.”

As of this writing, wala pa ring ipinapadalang statement si Daiana.

                                                              

Show comments