^

PSN Showbiz

Kim Chiu hindi na kinayang magtrabaho!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang magkakapatid na KC, Cloie, at Garie Concepcion sa Preview Best Dressed Ball sa Hyve, The Fort, Taguig City noong Biyernes ng gabi.

SCENE: Parehong may show sa ibang bansa ang Eat Bulaga at ang It’s Showtime. Pinasaya ng Team Showtime ang mga Pilipino sa Honolulu, Hawaii noong Sabado at ang mga Pinoy sa Japan ang pinaligaya kahapon ng Dabarkads.

SEEN: Kahapon ang panunumpa ni Joseph Estrada bilang alkalde ng Maynila sa Manila City Hall. Sinaksihan ng buong pamilya ni Erap ang kanyang oath-taking ceremonies.

SCENE: Ang birong-totoo ni Mayor Joseph Estrada na sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng ex-convict na alkalde ang Maynila.

SEEN: Si Alex Gonzaga ang ipinalit kay Kim Chiu bilang co-host ng coronation kagabi ng Mr. and Miss Chinatown 2013 sa New Performing Arts Thea­ter sa Resorts World Manila. Pinalitan si Kim dahil ipinagluluksa pa nito ang pagpanaw ng kanyang ina kamakailan.

SCENE: Ingliserang-Inglisera si Rachelle Ann Go nang kumain siya sa isang five-star hotel sa The Fort noong Huwebes. Hindi nagpatalbog si Rachelle Ann kay Dan Domenech, ang leading man niya sa musical play na Tarzan.

SEEN: Madalas na nagkukulang sa letrang S ang young actor na si Ruru Madrid dahil “Sunday All Star” ang tawag niya sa Sunday All Stars, ang show ng GMA 7 na kinabibilangan niya.

SCENE: Ang request ng fans ni Jake Vargas na siya naman minsan ang sumagot sa mga isyu na kinasasangkutan niya, hindi ang kanyang manager na si German Moreno.

vuukle comment

ARTS THEA

DAN DOMENECH

DRESSED BALL

EAT BULAGA

GARIE CONCEPCION

GERMAN MORENO

JAKE VARGAS

JOSEPH ESTRADA

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with