Mga bulilit ikakasal ngayong linggo?

MANILA, Philippines - Punung-puno ng pagmamahal ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo (Hunyo 30) dahil ihahatid ng mga paboritong bulilit ang kanilang mga dream wedding.

Mayroong mga nakakakilig at nakakatawang eksena sa kanilang mga kasal dahil sa mga gag mula sa ceremony hanggang oras ng wedding reception. Dob­le ang pagka-cute ng pagpapakasal kasama ang mga bulilit, lalo na’t sa kanilang skit na “Ang Gusto Kong Mapangasawa” na ipapakita ng mga bata ang kanilang mga future wife at future husband.

Sasayaw at kakanta naman ang mga bulilit sa awiting Don Romantiko ni Vhong Navarro, na dagdag sa kilig at tawanan.

Mag-yes na ngayong Linggo sa Goin’ Bulilit, ang numero unong kiddie gag show sa bansa, pagkatapos ng TV Patrol Weekend sa ABS-CBN Channel 2.

 

 

Show comments