Pumapatak na naman ang ulan…
MANILA, Philippines - Eto na naman ang tag-ulan, bagyo, at baha. Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR-TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV, pag-uusapan ang tungkol sa panahon ng tag-ulan.
Dadalhin kayo ni Mader Ricky sa mga kainang ang espesyalidad ay mga pagkaing mainit o panangga sa ginaw.
May safety and emergency tips na ibibigay sa mga manonood tungkol sa ano ang dapat gawin sa panahon ng baha at mga dapat na ihanda sa bahay kung walang kuryente o pagkaing dapat imbakin sa panahong ‘di tayo makakalabas ng bahay.
May romantikong istorya na handog ang GRR TNT. Ito’y tungkol sa isang kasal na sa kabila ng bagyo’y itinuloy pa rin at ang couple na ikinasal ay lumuÂsong papuntang simbahan at ang unang halik ay naganap habang basang-basa sila sa matinding patak ng ulan.
Bibigyan naman ng tribute ang isang 18 taong si Muelmar Magallanes ng Kyusi. Ibinuwis ng binata ang sariling buhay upang masagip ang mga kapitbahay na malulunod sana dahil ‘di marunong lumangoy. Di malilimutan ang bagyong si Ondoy at lalong ‘di mabubura sa alaala ang bayaning si Muelmar, di ba?
- Latest