Jodi malapit nang magpalit ng apelyido

Open na rin ang relasyon nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Present ang aktres sa oath taking ng kanyang boyfriend bilang vice governor ng Cavi­te. Kasama rin siyempre sa okasyon ang anak ni Jolo na si Gab at ang mga magulang niyang sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado

Congratulations, Jodi! Miyembro ka na talaga ng Revilla/Bautista family.

Daiana puro problema ang napasukan

Nakikisimpatiya ako kay Daiana Menezes. Kung kailan ay finally inamin nila ni Cong.  Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro na mag-asawa na sila, matapos ang napakakontrobersiyal na isyu ng pananakit na ipinost niya sa internet, heto naman ang mas nakalulungkot at mas nakakatakot na ginawa ng mister ni Daiana. Umano’y nagtangkang magbaril sa sarili. 

Nalulungkot ako para sa dating co-host ng Eat Bulaga dahil kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa siya, pero sa halip na mag-enjoy ay problema ang dumarating sa kanya.

Helen at Lovi may common denominator

May common denominator sina Lovi Poe at Helen Gamboa, si FPJ. Kung gusto mang pagbigyan ng beteranang aktres ang kagustuhan ng Kapuso actress na makasama siya sa serye nito, ito ay bilang paggalang sa alaala ng aktor na nakapareha niya nung buhay pa ito. Isa pa gusto niyang makasama ang isa sa maituturing na pinaka-maga­ling na kabataang aktres sa bansa.

Show comments