Enchong inaaral na ang pagkokontrabida, gustong lampasan sina Coco at Paulo

Magsisimula na ngayong Hulyo ang teleser­yeng Muling Buksan ang Puso na pinagbibidahan nina Enrique Gil, Julia Montes, at Enchong Dee. Ngayon pa lamang ay nakararamdam na ng pressure si Enchong dahil na rin sa rami ng kanyang ginagawang proyekto.

“Mas mataas ngayon kasi nga rare opportunity na binigyan ka ng pagkakataon na katatapos lang ng serye mo tapos ito na naman, Hulyo na agad, ’tapos may pelikula (Four Sisters and a Wedding) pa. Parang sisiguraduhin mo na kung anong mapapanood nila sa ibang show, hindi nila mapapanood dito,” pahayag ni Enchong.

May pagka-kontrabida ang role ng aktor ngayon sa bagong serye. Malampasan kaya ni Enchong sina Coco Martin at Paulo Avelino na matatandaang kontrabida rin ang naging papel sa Tayong Dalawa (Coco) at Walang Hanggan (Paulo)?

“I think ’yun ’yung challenge do’n is to differentiate ’yung character na gagawin ko from the great performances of Coco Martin and Paulo Avelino. It’s a great challenge kasi nalampasan nila ’yun. They can be bida, they can be kontrabida. Sa ngayon nasa discovering stage pa lang ako,” pagtatapat ng binata.

Wala raw isyu kay Enchong kung kontrabida man ang papel na muling ibigay sa kanyang mga susunod na proyekto.

“If I can sustain myself as an actor with that kind of role I don’t mind because I know I can perform saka again sa ABS-CBN hindi naman porke’t kontrabida ’yung ginagawa nila, kontrabida na lahat. They give you experimental characters. Binibigyan ka nila ng pagkakataon to improve yourself,” paliwanag pa niya.  

Angel kinilig-kilig sa compilation videos at pictures na ginawa ni Phil

Noong nakaraang buwan ay nagdiwang ng kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan sina Angel Locsin at Phil Younghusband. Sinorpresa ng aktres si Phil sa pamamagitan ng pagpunta sa Singapore para manood ng football game ng binata.

“I had a game in Singapore. She surprised me. It was very sweet of her,” nakangiting bungad ni Phil.

Hindi na nakapag-ikot ang magkasintahan sa Singapore noon dahil na rin sa kakulangan sa oras. Pagbalik ng dalawa sa Pilipinas ay si   Angel naman ang binigyan ng sorpresa ni Phil.

“Pagdating namin sa Manila, I surprised her with a video that I made for her. All our memories, photos of the first time we met. It took me a month to make. So, I’m glad she appreciates it,” kuwento ni Phil.

“I enjoy it. I enjoy making the video, making her feel kilig. That’s one thing that I want, I want to make her happy and kilig.” Reports from JAMES C. CANTOS

 

Show comments