MANILA, Philippines - Naging setting ang Big Apple para sa isa sa mga pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa Estados Unidos, kamakailan.
Noong Hunyo 2, higit sa daan libong mga Pinoy mula sa East Coast at katabing mga state ang pumunta sa Madison Avenue upang maranasan ang pinakaengrandeng Independence Day Parade na ginawa sa New York City. Naging makabuluhan ang event dahil din sa pagsali ng lumalaking network ng Pilipinas, ang TV5.
Talagang naging excited ang mga dumalo nang mapanood ang tatlong nagÂlalakihang artista ng TV5 na sina Derek Ramsay, Sharon Cuneta, at Aga Muhlach na nakasakay ng malaking pula at puting float, habang binabati ang masasayang manonood na Pilipino.
Pagkatapos ng parada, sinimulan ni Derek ang programa sa pagkanta ng isang special song numÂber na nagbigay din siya ng mga rosas sa mga maÂnoÂnood. Bukod sa number niya, kung saan kinilig talaga ang mga manonood, nagkaroon pa ng laro kung saan lumahok ang apat na masusuwerteng babaeng manonood. Ang fans naman ng Megastar ay ’di magkahumayaw nang simulan niyang awitin ang mga sikat niyang kanta tulad ng Kahit Maputi Na ang Buhok Ko, Kahit Sino Ka Man, at Sana’y Wala Nang Wakas. Lalo pang naghiyawan ang lahat nang sabayan si Mega ng award-winning actor at Pinoy Explorer na si Aga Muhlach sa pagkanta ng Bakit Ngayon Ka Lang?
Kakaibang gimik din ang ginawa ng TV5 gamit ang makabagong teknolohiya sa augmented reality booth nito. First time gawin ito ng isang Filipino network kaya marami ang namangha sa galing na ipinakita ng TV5. Naglagay ng bagong teknolohiya ang mga US-based na Pinoy sa isang virtual, augmented environment at tila nakasama rin nila ang mga artistang Kapatid na sina Nora Aunor at Edu Manzano, Eula Valdez, Amy Perez, Paolo Bediones, at pati ang mga bagong artista na sina Eula Caballero, Ritz Azul, at marami pang Iba. Ang mga gumamit ng booth ay “nahalikan at nayakap “ ng kanilang mga paboritong TV5 star gamit ang teknolohiyang ito.
Lubos ang kasiyahang naramdaman ng mga kapatid sa New York.
“We are happy that TV5 is here, and for making this year’s celebration the biggest ever...,†sabi ni Consul General Mario L. De Leon Jr.
“We are delighted to see our Kapatid here in New York and for bringing our biggest stars closer to them. We hope to be able to do this every year,†dagdag naman ni Claro Carmelo Ramirez, presidente ng TV5 International/PGNL.