Show ng mga bagets na baguhan, sisibakin na

Nag-last taping day na pala noong isang araw ang show ng network na karamihan sa cast ay new­comers. Lungkut-lungkutan ang mga bagets dahil nawalan sila ng show pero kasalanan din naman ng iba sa kanila dahil ang tamad i-improve ang mga sarili at mag-deliver lang ng dialogue ay walang kabuhay-buhay.

Kaya pala idi-distribute ang cast ng mawawalang show sa shows ng network at ang isa nga’y ma­pa­panood na sa isang primetime show. Sana ma­bigyan pa rin ng another chance ang ibang cast dahil sayang ang mga face value kung mawawala na lang sa eksena.

Gerald naduwag noong sila pa ni Bea

Nabawasan kaya ng pogi points si Gerald Anderson sa mga pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa short-lived relationship nila sa July issue ng YES! Mag. “Roller-coaster ride” ang tawag ng aktres sa naging relasyon nila ni Gerald, puno ng pasabog at galante raw ang aktor. Nagpapa-cater pa sa bahay nila ’pag may pangako itong hindi natutupad.

Kaya rin roller coaster dahil may mga ginagawa si Gerald na para siyang nasa cloud nine dahil sobrang magpakilig ang binata, ’tapos biglang bababa na naman siya at nagbigay ’yun ng depression sa kanya.

 Ang galit ng Kimerald fans (with matching death threats) at ang pagkontra ng ina ni Gerald ang dalawang rason ng kanyang depression. Akala raw ng ina ng aktor, ginagamit lang niya si Gerald. Hindi siya nagalit sa ina ni Gerald, sa aktor siya nagalit dahil hindi siya ipinagtanggol sa kanyang ina.

Sa ngayon, happy si Bea sa piling ni Zanjoe Ma­rudo at sa presscon nga ng Four Sisters and a Wedding, nabanggit ni Bea na sana ang boyfriend na ang makatuluyan pero kailangan muna nitong mag-propose.

Richard ayaw munang ma-pressure

Habang ini-interview si Richard Gutierrez, tumawag si Mother Lily Monteverde kay Jun Nardo at nakinig kami sa pag-uusap ng dalawa. Base sa nari­nig namin, maayos ang naging pag-uusap nina Mother Lily at Mr. Tony Tuviera na manager ni Marian Ri­vera ngayon at ipinakita niya ang nag-leak niyang press statement na hindi nabasa sa presscon ng My Lady Boss.

Maganda ang interview kay Richard kahit may kaguluhan sa paligid dahil ang iingay ng mga bading. Sabi ng aktor, hindi naman siya tuluyang mawawala dahil ’pag may magandang offer na project kahit wala na siyang kontrata sa GMA Network, Inc. ay gagawin pa rin niya pero magpapahinga muna siya.

Nalungkot kami sa number one answer nito sa ta­nong ni Jun Nardo kung ano ang mga memorable moments sa 11 years niya sa GMA Network? Ang mga nakasama niyang tao ang sagot at special mention ang staff ng mga nagawang show.

“Memorable rin ang mga nagawa kong projects, lalo na ’yung mga nauna like Mulawin because it opened a lot of doors for me. Saka lahat ng gusto kong gawin, nagawa ko sa GMA. I have no regrets being a Kapuso talent pero masarap din makatrabaho ang ibang artista, ibang directors, but for now, it’s time for me to unwind, to relax and to be not under pressure,” pahayag ni Richard.

Ang premiere night sa Sunday ang bale last public appearance ni Richard dahil after ng showing ng My Lady Boss, pupunta na siya sa Cebu.

LAUREN NAKIPAGSABAYAN NA SA AKTINGAN

Pasabog ang ending ng Mundo Mo’y Magunaw kung tama ang na­rinig naming may two main cha­racters na mamamatay.

Kuwento pala ni Gabby Eigenmann, after ng con­frontation scene nila ni Angelika dela Cruz, pa­reho silang halos hindi makahinga sa sobrang in­ten­se ng eksena. May eksena pa nga si Gabby na tumutulo ang sipon.

Matutuwa ang supporters ni Lauren Young dahil nakikipagsabayan ito sa aktingan dahil halos lahat ng eksena nito ay take one.

Show comments