MANILA, Philippines - Hindi naman pala inililihim ni John Lapus na natuwa siya nang sibakin sa ere ang H.O.T. TV na pumalit sa Showbiz Central kung saan isa siya sa mga host nang pinalitang programa noon. “Vindicated po kami,†sabi niya kahapon sa presscon ng first comedy concert nila ni BB Gandanghari na Beauty and the Sweet na si Pops Fernandez ang producer. Sila ang ginamit niya dahil maging sina Raymond Gutierrez at Pia Guanio ay natuwa rin sa naging kapalaran ng H.O.T TV na hindi nagtagal sa ere. Pakiramdam nila ay ‘di hamak na mas nag-rate ang Showbiz Central.
Hanggang ngayon ay wala pang kapalit na talk show ng H.O.T. TV.
Ngayon ay wala nang programa si Sweet sa GMA 7. Nasa ABS-CBN na siya at kasama siya sa launching project ni Julia Barretto.
At inamin din ni John na sumama ang loob at iniyakan niya ang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na ibinigay kay Vice Ganda. “Umiyak ako kasi talagang sa akin ‘yun. Concept ‘yun para sa akin tapos napunta sa iba. Nung una umasa pa akong mababalik sa akin ang project, pero hindi eh. Hanggang nabalitaan ko na lang na kasali na sa MMFF. But of course, sumama man ang loob ko, pero siguro hindi ‘yun para sa akin,†sabi ng komedÂyante na madalas ding mapanood na co-host sa KrisTV.
Samantala, pabor siyang magturo sa Comedy Academy na pino-propose ng Movie and Television Review and Classification Board Chairman Toto Villareal.
“Hindi ko na kailangan ‘yun. 20 years na ako in the business. Puwede naman akong magturo,†sabi ni Sweet.
Siya man kasi ay agree na nagiging dirty na humor ng ibang comedians.
Wala siyang pinatutungkulan in particular pero nag-umpisang bantayan ang mga baklang comedians nang maging over si Vice Ganda sa panlalait sa kapwa na akala niya ay nakakatawa pa.
“Kami kasi sarili namin ang nilalait namin, and ako pag nagbibiro ako ‘yung totoo,†sabi ni Sweet.
Anyway, ang Beauty and the Sweet ay gaganapin sa August 2 & 3, 8:00 p.m. sa Music Museum.
Halikan nina Isabelle at Georgina, lumikha ng ingay
Lumikha ng ingay kahapon sa social media ang inilagay na photo ni Isabelle Daza sa kanyang Instagram account na aktong naghahalikan sila ni Georgina Wilson na ang caption ay : “Our take on equality for gay rights! Hahaha. Thank you marknicdao.
Maraming negative reactions sa nasabing picture nila. Heto ang isa : “I love these girls and I love the works of Mark Nicdao, but we need to be careful with the kind of messages we send across,†sabi ng isang user na si karenÂdagnalan.
“Relax peeps it’s a photo. BTW this is her Instagram acct so she can post any pic she wants. If you guys can’t say anything nice then juest keep it to yourself,†sabi naman ng user na vinmar4.
Kung tutuusin ay nagre-react lang naman si Belle sa victory para sa karapatan ng mga gay na ilabas ng US Supreme Court para sa California.
Minsan kasi sa social media, maka-react lang ‘yung iba.