Maja gustong pataubin sa kantahan si Anne!

Mukhang may bagong karibal si Anne Curtis sa pagiging singer. ‘Yung dating biro lang ni Maja Salvador na gusto niyang kumanta ay isa na ngayong reyalidad. At hindi lamang siya kakanta sa isang song and dance tour bilang selebrasyon ng kanyang 10th year anniversary sa showbiz, sasayaw din siya. Masasaksihan ito sa lahat nang lugar sa buong bansa na makakasama sa kanyang tour.

Nagbigay na siya nang pahimakas nang lumabas siya sa isang kick off para sa kanyang dance concert na pinamagatang  Maja Unveils @ 10 sa Glorietta. At hindi lamang basta sasabak sa kanyang  tour si Maja.

Itong versatility ni Maja ang magpapaiba sa kanya sa mga artistang babae.

Sarah panay ang exercise

Positibo si Richard Gutierrez na makakayang sagutin ng girlfriend niyang si Sarah Lahbati ang lahat ng isyu tungkol sa kanya sa pagbabalik nito ng bansa. Totoo, babalik si Sarah kahit pa may nakaambang arrest order sa kanya dahil sa kaso na isinampa sa kanya ni Atty. Annette Abrogar ng GMA.

Sa isang video na ipi-nost ng nagbabakasyong artista ay nakita itong nag-eehersisyo kasama ang ilang kaibigan. Hindi man niya sinabi, ito ay patunay sa bintang na kaya siya umalis ay buntis siya. Flat na flat ang kanyang tiyan at ang binabanatan niyang exercise ay makakasama kung siya ay buntis.

Julie Anne tumangging magpa-sexy

May dahilan naman para tumangging gumanap ng sexy roles ang singer na si Julie Anne San Jose. Hindi pa natatagalang lumabas ang kanyang debut album pero nakaka-quadruple platinum na  ito. Ibig sabihin lang ay marami na ang nakarinig dito at napansin na siya, kaya bakit kailangan pang magpapansin sa pamamagitan ng pagpapaseksi? Kahit pa raw P1B ang offer, hinding-hindi niya gagawin ito.

 

Show comments