^

PSN Showbiz

Katatagan ng Pinoy, ipinagmamalaki nina Robin at Daniel

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsanib-puwersa  sa unang pagkakataon ang magtiyuhin na sina Robin at Daniel Padilla sa pinakabagong TV commercial ng Nescafe Classic. Lutang na lutang ang kaguwapuhan at kahusayan ng magtiyuhin kung saan kanilang ipinagmamalaki ang katatagan ng bawat Pinoy na laging bumaba­ngon kahit anuman ang mangyari, huh!

Sa totoo lang, kapwa mabenta sa TV commercials sina Robin at Daniel individually. Kaya naman masasabing casting coup ang mapagsama ang dalawa sa Nescafe Classics lalo na’t bumagay sa kanila ang konsepto at resulta ng TV ad.

Eh, ‘yung storyboard ng Nescafe,  malapit na malapit pa sa katauhan nina Robin at Daniel. Pagmamalaki ng action hero, dapat sa bawat Pinoy, mangibabaw ang katatagan, paniniwala at inspirasyon tuwing may dumarating na pagsubok sa buhay.

Ang pagiging matatag din kasi ang turo ni Binoe sa pamangkin na si Daniel sa mundong kinalulugaran ngayon, ang showbiz. Hindi kaila sa lahat ang hirap na dinanas ni Robin hindi lang sa kanyang career kundi pati na rin sa pribado niyang buhay. Pero nagawa pa rin niyang bumangon at nangibabaw ang katatagan, paniniwala at inspirasyon upang muling bumalik ang ningning bilang pa­ngunahing action hero ng showbiz.

Sa kabataang artista ngayon, si Daniel ang maituturing na hottest young actor ngayon na hindi lang TV at pelikula ang kanyang pinagbibidahan kundi ma­ging ang pagiging recording at concert artist kung saan pinuno niya kailan lamang ang Araneta Coliseum.

Pagdating sa movies, magkatapat man ang entry nilang 10,000 Hours ni Robin at Pagpag ni Daniel, hindi dahilan ang labanan na ‘yon upang panghinaan na sila ng katatagan.

ARANETA COLISEUM

DANIEL

DANIEL PADILLA

KAYA

LUTANG

NAGSANIB

NESCAFE CLASSIC

NESCAFE CLASSICS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with