^

PSN Showbiz

Awayan sa mana at lupa ng mag-ina dinayo ni Karen

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit buhay pa si Aling Lilia, binubuyo na siya ng kanyang anak na si Mel na ibenta na ang pagmamay-ari nitong munting bahay at lupa at mapag­hatian na nila ang makukuhang pera.

Ito ang masalimuot na awayang mag-ina na bubusisiin ni Karen Davila sa episode ng  Pinoy True Stories: Engkwentro ngayon (Hunyo 25) sa ABS-CBN.

Matinding pinag-aawayan ni Aling Lilia, 71 taong gulang, at ng 42-taong gulang niyang anak na si Mel ang pagbebenta ng bahay at lupa ni Aling Lilia. 

Gusto na raw makuha ng anak ang mamana­hing pera mula rito. Nagmamatigas si Aling Lilia dahil wala naman daw uuwian ang perang ibibigay sa anak kundi sa sugal.

Mariing itinatanggi ng anak ang paratang ng ina. Ayon kay Mel, malayo sa kanya ang loob ng ina dahil hindi raw nito tanggap ang pagiging “tomboy” niya. Suko na raw si Mel na maramdaman ang pagmamahal ng ina, kaya wala na siyang ibang hiling kundi makuha na ang parte ng pera mula sa pagbebentahan ng ari-arian.  

Mapilit kaya ni Mel ang inang si Aling Lilia na ibenta ang bahay at lupa? Makuha pa kaya ni Mel ang pagmamahal na inaasam mula sa ina?

X celebrity VJ Alden Richards, naging mapagbigay

Ang heartthrob na si Alden Richards ay handa na para ibigay sa mga manonood ang musikang nais nilang mapakinggan sa Hunyo 23 hanggang 29 bilang MYX Celebrity VJ. Iho-host ni Alden ang show na  My MYX, kung saan puwedeng mag-request ang kanyang mga fans na mapatugtog ang kanilang paboritong mga kanta sa show na tunay na  Your Choice. Your Music.  Ang mga request ay puwede ipadala gamit ang text, e-mail at snail mail. Puwede rin mag-upload ng video sa YouTube para mag-request.

Ang MYX ay mapapanood sa UHF sa pamamamagitan ng Studio 23 tuwing umaga at madaling-araw.  

 

 

 

 

ALDEN RICHARDS

ALING LILIA

AYON

HUNYO

KAREN DAVILA

PINOY TRUE STORIES

YOUR CHOICE

YOUR MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with