Ano ba naman itong si Toni Gonzaga at wala yatang hindi alam gawin? Bukod sa pagiging Ultimate Multimedia Star (na parang katunog ng titulo rin ni Kris Aquino), isang na rin siyang cooking show host ngayon sa isang bagong weekly cooking show ng ABS-CBN.
Tapos pala ng culinary course si Toni at pinupuri ng lahat niyang nakakasama na pinatitikim niya ng kanyang luto. Masuwerte ang boyfriend niyang si Paul Soriano dahil ito ang makikinabang sa lahat niyang nalalaman.
Daniel at Kathryn inaasahan sa MMFF
Kung dati ay support lang ang tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa top grossing film ng nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na Sisterakas, ngayon ay sila na ang tampok na mga artista sa pelikulang Pagpag na magkakatulong na ipo-prodyus ng ABS-CBN, Skylight Films, at Regal Entertainment, Inc. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang tagumpay ng nasaÂbing pelikula at makakabangga nila ang dalawa sa Sisterakas na sina Kris Aquino sa Torky and My Little Bossing at Vice Ganda sa Boy Girl, Bakla, Tomboy ng Star CiÂnema at Viva Films.
Sino kaya sa kanilang apat ang tatanghaling hari at reyna ng takilya?
Judges sa The Voice of The Philippines mababait
Hindi pa ako nakakapanood ng programang international ng The Voice kung kaya hindi ko alam kung kapareho ang patakbo nito sa The Voice of the Philippines at kung ganun din karami ang mga mentor/judge. Hindi ko rin alam kung ilan ang nakakapasa sa audition pero marami sa naririnig kong komento ay masyado yatang mababait ang apat na mentor sa pagkuha ng mga auditionee.
In any case sana nga ay makalikha sila ng mga bago at naiibang champion singer. Parang napakalaki nang ipinagbago ng manonood ngayon. Hindi na sila payag sa mga pipitsuging winner, naghahanap na sila ng talagang kakaiba at hindi lang ’yung basta kumakanta. ’Yung isa sa auditionees nung Sabado, ’yung naggigitara ay masasabi kong iba ang boses at hindi basta-basta.
Pero kung talagang naghahanap sila ng magaling, sabi ng mga nakakausap ko ay ’yun lang ang papasa sa audition nung Sabado. Ganun?! Sobra naman silang metikuloso. Buti na lang hindi sila hurado dahil kung hindi ay magtatagal pa ang audition.
Kris sigurado na sa pulitika
Ngayong inopen na ni Kris Aquino ang plano niyang lumahok sa pulitika in the very near future, sa 2016 perhaps, hindi na siya magbibigay ng palaisipan sa tao sa kung anong posisyon ang pinag-iinteresan niya at kung saan.
Una na kasing napabalita na pagka-bise presidente ang tatakbuhin niya pero hindi naman pala. Eh may mga nauna nang napabalitang mga artista na interesado sa posisyon na hinahawakan ngayon ni VP Jejomar Binay pero hindi si Kris. Magsisimula muna siya sa mababa at sino ang nakapagsasabi. Baka puntiryahin din niya ang pagka-bise pero hindi pa sa susunod na eleksiyon. Tama ba kami, Kris?