Walang pagsisising naramdaman si Charice mula nang aminin sa publiko ang tunay niyang sekswalidad kamakailan. Patuloy pa rin ang suporta na ibiÂnibigay ng kanyang mga tagahanga kaya ikinatuwa ito ng singer.
“So far po, sobrang blessed po. ’Di ko po ma-explain. Basta alam ko po nagpapasalamat ako na ginawa ko ’yung napaka-risky na move na ’yun kasi po walang regrets. Talagang masasabi ko po sa sarili ko, yes, I did the right thing,†pahayag ni Charice.
“Gusto kong magpasalamat sa mga Filipino kasi po noong nag-decide ako na mag-come out ’yun po talaga ’yung isa kong naisip na natakot ako sa magiging reaction ng fellow Filipinos po pero sa ipinakita po nila sa aking suporta, unexpected na suporta, gusto ko pong magpasalamat talaga. Parang isa ’yun sa malaking rason kung bakit ako nakahinga nang maluwag dahil din sa suporta ng Filipinos sa akin.â€
Inamin din ni Charice na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaÂayos ng kanyang pamilya partikular na ang kanyang Mommy Raquel at kapatid na si Carl.
“Hindi naman po ako magsisinungaling. ’Di po okay pero nandun naman always ’yung hope ko po na alam ko eventually magiging okay lahat. And basta ang ini-expect ko po ngayon hindi naman agad na maayos nang ganun kabilis dahil naiintindihan ko po ’yung nararamdaman nila. Sa akin po ang gusto ko sabihin sa kanila, puwede po nila kunin lahat ng time na gusto nila, nang gaano katagal, maghihintay po ako.
“Siyempre, gagawa po ako ng effort para maayos po lahat. Ang gusto ko lang sabihin, sorry na-disappoint sila. Pero ito po talaga si Charice na anak niya, at si Charice na kapatid po niya, ni Carl. So para po sa akin family is famiÂly always,†paliwanag ni Charice.
Samantala, nakatakda nang gumawa ng bagong album ang singer dito sa Pilipinas at ilang shows din ang gagawin niya sa ibang bansa.
AiAi iniiyakan pa rin si Jed
Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si AiAi delas Alas para makapagbakasyon ng isang buwan kasama ng kanyang tatlong anak na sina Sancho, Nicolo, at Sophia. Bago umalis ang aktres sa bansa ay nagharap pa sila ng asawang si Jed Salang sa Quezon City Regional Trial Court para sa kasong isinampa ni AiAi laban kay Jed, ang paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children.
Naglabas ang korte ng temporary protection order para kay AiAi at kanyang mga anak. Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin niya sa gabi ang kanyang mga dinanas noong magkasama pa sila ni Jed.
“Kasi naman, sabi nga ni Direk Wenn (Deramas), ang pain wala namang short cut. Talagang it’s a process hanggang nakasanayan mo na wala na lang. Oo, maghihilom lahat ng sugat sa tamang panahon. Ayoko na magalit. Noon pa na sinabi ko na I trust Him, I trust the Lord. Siya na ang bahala,†kalmadong pahayag ni AiAi.
Nagbigay din ng reaksiyon ang Comedy Concert Queen tungkol sa mga larawang kumakalat ngayon sa Internet kung saan makikitang may kasama si Jed na isang babae.
“’Di ko rin kilala ’yung babae. ’Di naman din natin alam kung ano niya ’yun, baka kamag-anak niya, or pinsan niya, or something. Hindi natin alam. Ayaw ko namang mag-judge sa kanila. But legally and technically asawa ko pa rin si Jed pero sa situation namin ngayon, hayaan na lang kung do’n siya masaya. Hayaan na lang natin siya. Wala naman na tayong magagawa,†giit ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS