^

PSN Showbiz

Matapos ma-stroke, nanay ni Kim Chiu namatay na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Namatay na pala ang nanay ni Kim Chiu na si Louella Chiu.

Three days ago lang ay nabalitang nanghihingi ng dasal ang mga kamag-anak ni Kim para sa kanyang nanay na na-coma matapos ma-stroke.

Pero wala raw gustong magbigay ng detalye tungkol sa pagkamatay ng nanay ni Kim.

Matatandaang matagal din bago nahanap ni Kim ang kanyang ina. Sa kanyang lola siya lumaki kasama ang kanyang mga kapatid.

Laplapan nina Angelica at John Lloyd pinagpiyestahan

Pinagpiyestahan sa Instagram ang laplapan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na ipinoste mismo ng actress sa kanyang account. Kasi naman tala­gang lips to lips, na kuha ni Direk Ruel Bayani at ni-repost lang ni Angelica.

Kuha ang nasabing photo sa birthday party ni John Lloyd na ang actual birthday ay kahapon.

Kitang-kita sa picture na wa­lang pakialam ang dalawa sa mga taong nakapaligid  sa kanila.

Kung sabagay hindi naman ma­­sama kung naghalikan man sila. Hindi lihim ang kanilang relas­yon matapos silang umamin last year.

Nag-aabroad nga silang dalawa lang. Alangan naman nagtitigan lang sila ‘di ba?

Hindi na kaila­ngan ng ‘paparazzi’ nina John Lloyd at Angelica dahil ang aktres na mismo ang naglalagay ng mga ginagawa nila ni John Lloyd sa Instagram (photo sharing network).

Hindi naman kasi ito ang first time na nag-post si Angelica sa ginagawa nila ng aktor.

May  445,000 na followers sa Instagram si Angelica.

Mga artista puwedeng-puwede sa Angelicum

May offer na Home Study Program ang Angelicum College na swak sa mga artistang gustong mag-aral. At considerate sila, exempted ang mga artistang nag-aaral na at mag-aaral sa ilang rules and regulations ng naturang eskuwelahan. Home study man o regular schooling.

Isang halimbawa, bawal sa mga karaniwang estudyante nila ang may kulay ang buhok pero kung artista ka, tanggap ng Angelicum dahil naiintindihan nila ang trabaho ng mga ito.

Actually, nakinig kasi ako sa Parent’s Orientation nang nasabing eskuwelahan last weekend (for my pamangkin) at nabanggit nila ang nasabing topic.

May ilan-ilan na raw mga artistang nag-aaral doon pero walang nabanggit na pangalan. 

Kaya tamang-tama ito sa mga artistang hectic ang sked pero gustong makatapos ng pag-aaral.

Importante pa rin kasi na nag-aaral kahit kumikita sila ng limpak-limpak.

By the way, isang maganda sa Angelicum ay ang ini-implement nila ang ‘no homework policy.’ As in walang assignment ang mga estudyante. Na tama naman. Pag may assignment nga naman ang mga estudyante, karaniwang ang mga parents o kahit sinong kasama lang sa bahay ang gumagawa. Although meron naman talagang mga estudyante na sila na ang sumasagot. Katuwiran nila, gusto nilang makapahinga ang mga estudyante na mula umaga hanggang hapon ay nasa loob na ng eskuwelahan sa Sto. Domingo.

Parang naalala ko na sa Angelicum nagtapos ng high school si Sarah Geronimo kaya siya nakapasok sa UP Open University.

 

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELICUM

ANGELICUM COLLEGE

DIREK RUEL BAYANI

HOME STUDY PROGRAM

INSTAGRAM

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with