MANILA, Philippines - Sa gitna ng kabundukan ng Davao del Norte mataÂtagpuan ang lupain ng tribong Manobo. Ngunit kahit gaano pa kalaki at kalawak ito, tanging pagtatanim lamang ng “root crops†ang kanilang pinagkukuhanan ng pangÂkabuhayan. Wala kasing ibang trabaho ang mga Manobo kundi ang pagsasaka. Karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral.
Kaya naman ang dose anÂyos na si Arnel, pinipilit na maÂkatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno sa gubat. Matapos tanggalin ang mga sanga, ibinababa niya, kasama ng iba pang bata sa komunidad, ang mga troso sa isang mamimili. Karga-karga nila ang kahoy na may bigat na 40 kilo pababa ng bundok nang hindi bababa sa isang oras, para sa maliit na halaga.
Sa nipis ng kanilang pangangatawan, hinÂdi biro ang bigat na pasan ng mga batang ito — mga batang dapat sana ay nasa paaralan ngunit sa halip ay nagtatrabaho.
Mapapanood ang Tarima ni Jay Taruc ngayong Lunes sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.