^

PSN Showbiz

Buhay ng batang Manobo sisilipin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kabundukan ng Davao del Norte mata­tagpuan ang lupain ng tribong Manobo. Ngunit kahit gaano pa kalaki at kalawak ito, tanging pagtatanim lamang ng “root crops” ang kanilang pinagkukuhanan ng pang­kabuhayan. Wala kasing ibang trabaho ang mga Manobo kundi ang pagsasaka. Karamihan sa kanila ay hindi nakapag-aral.

Kaya naman ang dose an­yos na si Arnel, pinipilit na ma­katulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno sa gubat. Matapos tanggalin ang mga sanga, ibinababa niya, kasama ng iba pang bata sa komunidad, ang mga troso sa isang mamimili. Karga-karga nila ang kahoy na may bigat na 40 kilo pababa ng bundok nang hindi bababa sa isang oras, para sa maliit na halaga.

Sa nipis ng kanilang pangangatawan, hin­di biro ang bigat na pasan ng mga batang ito — mga batang dapat sana ay nasa paaralan ngunit sa halip ay nagtatrabaho.

Mapapanood ang Tarima ni Jay Taruc ngayong Lunes sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.

ARNEL

DAVAO

I-WITNESS

JAY TARUC

KARAMIHAN

KARGA

KAYA

MANOBO

MAPAPANOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with