^

PSN Showbiz

Spanish animation filmfest mapapanood sa FDCP Cinematheques

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pama­magitan ng Film Cultural Exchange Program (FDCP) at pakikipagtulungan ng Instituto Cervantes at ng Embassy of Spain, ay magpapalabas ng Spanish ani­mation film cycle sa Davao, Baguio, at Iloilo sa buong buwan ng Hulyo. 

May apat na napiling full-length titles na mapapanood sa mga cine­matheque venue ng FDCP sa mga nabanggit na lugar. May kombinasyon na ro­man­ce, comedy, at dokumentaryo na tungkol sa autism ang mga napiling pelikula.

Ang Arrugas (Ignacio Ferreras, 2011) ay napanood na sa Manila nang isali sa 11th PELÍKULA: Spanish Film Festival nung October 2012. Tumang­gap na ito ng maraming awards kabilang na ang 2 Goyas sa Goya Award nung 2011 bilang best animated film and best adapted screenplay.

Sa Nocturna, una aventura mágica (Adrià García at Victor Maldonado, 2007) ay bida ang ulilang si Tim na makikilala sina Cat Shepherd at Tobermory.

Kuwento ng pag-ibig at pagkabigo ang Chico & Rita (Fernando Trueba, Javier Mariscal, at Tono Errando, 2010). Nominado ito sa 2011 Academy Awards for best animation film at sa 2010 Goya Award para sa kaparehong kategorya.

Ang María y yo (Félix Fernández de Castro, 2010) ang dokumentaryo ng ama at ng kanyang anak na may kapansanan na autism.            

Ang apat na pelikula ay ipapalabas sa Cinematheque Davao sa July 5 at 12; sa Cinematheque Iloilo sa July 17 at 18; at sa Cine­matheque Baguio sa Ju­ly 25 at 26. Para sa iba pang schedule, bisitahin na lang ang www.fdcp.ph, www.manila.cervantes.es, o ang www.facebook.com/InstitutoCervantesManila.

ACADEMY AWARDS

ANG ARRUGAS

ANG FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

ANG MAR

CAT SHEPHERD

GOYA AWARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with