Boy Golden pang 11, wala talagang pag-asang makapasok

Nanghihinayang si MMFF Overall Chairman Fran­cis Tolentino na hindi nakapasok ngayong taon ang animation saw along official entries sa gaganaping MMFF sa Disyembre. Matagal kasi itong gawin, ayon pa sa masipag na chairman din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Hindi rin nakapasok ang entry ni Gov. ER Ejercito na Boy Golden at ayon sa isang source, sana raw ay nasa 9th slot ito nang magpilian para may tsansa na makasama pa sa walong entries sakaling isa sa mga ito ang mag-withdraw. Kaso, pang 11th place pa ito.

Malaking bagay ang naitulong ni Chairman Tolentino sa MMFF dahil sa pagkakasali ng New Wave para sa film competition.

Inaasahang magiging bongga pa ang kanilang MMFF presentation sa taong ito lalo na at malalaking pelikula ang mga kalahok kasama ang isang religious na genre.

Angelu at Bobby excited na sa kanilang honeymoon

Natutuwa sina Angelu de Leon at Bobby Andrews dahill hanggang ngayon ay hindi naman sila nawawalan ng proyekto. Katunayan, regular silang napapanood sa Teen Gen tuwing Linggo kung saan mag-asawa na sila bilang sina Wacks at Peachy.

Excited na ang dalawa sa kanilang honeymoon at kasunod nila ang Teen Gen barkada na kumuha rin ng reservation sa hotel na tinuluyan nila.

Direk Brillante pinasapian si Dennis

Napanood namin ang Sapi sa special screening sa Solar  Entertainment, Corp. office last week at naiiba ang karakter na ginampanan ni Dennis Trillo bilang isang nagtatrabaho sa broadcasting company.

Enjoy sa karakter na gagampanan si Dennis at makakasama sina Meryll Soriano at Baron Geisler. Isa na naman itong obra ni Brillante Mendoza kung saan tinitiyak na malakas ang laban nito sa film competition sa abroad.

Show comments