Desisyon sa kaso ni Rhian kay Mo Twister, lalabas na!

PIK : Kung kinarir ng mga Kapuso stars ang production numbers nila sa Sunday All Stars nung nakaraang Linggo, mas sobrang kinarir nila ang mapapanood sa ngayong episode dahil sobrang na-challenge daw ang lahat na teams sa pagkapanalo ng Tweet Hearts team ni Jennylyn Mercado.

Ang Instagang team ni Christian Bautista ang isa sa pinaka-excited dahil meron pa raw announcement dito ang guwapong ballader.

PIK : All out ang suporta ng mga kaibigan ni Shalala sa showbiz sa kanyang launching movie na ididirek ni Joven Tan.           

Ang buong team ni direk Joven Tan ang nakapag-isip nang nakakatuwa at nakakaaliw na kuwento para kay Shalala at pinamagatan nilang Echoserang Frog.

Hindi raw niya akalaing magbibida siya sa isang pelikula kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na raw siya sa mga kaibigang artistang magi-guest sa kanyang pelikula.

BOOM : Hinihintay na lang pala nina Rhian Ramos ang resolution ng kasong Libel na isinampa nila laban kay Mo Twister.

Nai-present na raw nlla lahat na ebidensiya at naniniwala silang aayon sa kanila ang magiging verdict sa naturang kaso.

Pero gusto na ni Rhian na makapag-move on na sa traumatic experience na iyun.

“Instead of making me traumatic, I’m so much stronger,” pahayag ni Rhian.

Malaki raw ang naitulong ni KC Montero na malagpasan niya ang mapait na karanasan niya sa dating kasintahan.

Ayon kay Rhian: “He helped me realize na it’s possible to be treated well. It’s possible that you can have it all. Kasi dati kung pinapili ako between lovelife and work, ngayon I can have both.”

Si Rhian ang leading lady ni Dingdong Dantes sa bagong drama series nitong Genesis at ito na bale ang pangalawang programang pagsasamahan nila.

Show comments