Damit at hairdo kinopya: Anne ni-re-enact si Audrey Hepburn sa Breakfast at Tiffany’s

SEEN: Ang re-enactment ni Anne Curtis sa opening scene ng  Breakfast at Tiffany’s. Die hard fan si Anne ni Audrey Hepburn, ang star ng Breakfast at Tiffany’s.

SCENE: Ginaya ni Anne Curtis ang damit at hairdo ni Audrey Hepburn sa Breakfast at Tiffany’s.

SEEN: Ang marathon telecast ngayong umaga , 10:30 am,  ng pilot week ng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN. Kinagigiliwan ang primetime show ni Judy Ann Santos dahil sa magandang kuwento at magaling na pagganap ng mga artista.

SCENE: Sa June 30 ang red carpet premiere ng My Lady Boss sa SM Megamall Cinema 9.

SEEN: Ang constipa­ted look ni Victor Basa sa mga eksena niya sa My Husband’s Lover. Papasa si Victor na endorser ng gamot.

SCENE: Ang live show ng Eat Bulaga Dabarkads sa June 30 sa  Hibiya Kokaido Hall, Tokyo, Japan. Alas-tres nang hapon ang umpisa ng show.

SEEN:  Namayani sa takilya ang Man of Steel  dahil pinilahan ito sa mga sinehan sa Pilipinas. Daang milyong piso ang box-office gross ng Superman movie mula June 12 hanggang June 16.

Show comments