MANILA, Philippines - Sa bihirang pagkakataon, maibabahagi na sa buong bayan ang kuwento ng pag-ibig ng isa sa mga pinaka-respetado at pinaka-minamahal na broadÂcaster sa Pilipinas — si Miguel “Mike†Enriquez!
Bago pa man siya naging batikang newscaster at Imbestigador ng Bayan, Si Mike ay tinangkilik na ng madla noon bilang si DJ Baby Michael!
At ang pagsabak niya sa trabaho sa radyo, hindi raw niya sinasadya. Pinilit lang daw si Mike ng kaibigan niyang mag-audition bilang announcer nang hindi nakarating ang aplikanteng talagang mag-a-apply sa posisyon.
Kung hindi naging disc jockey o DJ si Mike maraÂhil ay hindi niya makikilala si Lizabeth “Baby†Yumping, ang kanyang babaeng inibig at patuloy na iniiÂbig nang wagas.
Avid listener o fan ni Mike si Baby noon. Hindi inaÂÂkala ni Mike na ang simpleng song requests ni Baby ay hahantong sa panahon na siya naman ang magre-request na maging boyfriend at kalaunan ay mister ni Baby.
Mula sa movie date na inabot ng lindol, pagtambay sa bakanteng loteng pinaÂngarap nilang mapatayuan ng dream house, at ang pagharap ni Mike sa “terror†na tiyahin ni Baby na si Lola Catalina, tunghayan kung paanong pinatunayan ni Mike ang wagas na pagmamahal niya kay Baby.
Tampok ang komedyante at DJ sa tunay na buhay na si Ramon Bautista at ang homegrown artist ng GMA 7 na si Jennylyn Mercado, kasama ang beteranang artista na si Flora Gasser, alamin ang mga nakatutuwang kuwentong naging bahagi ng makulay na love story nina Mike at Baby sa Wagas ngayong Sabado, Hunyo 22, 7:00 p.m., sa GMA News TV.
Amorosa mananakot na sa tv
Ibang klaseng katatakutan ang hinahanda ng Cinema One ngayong Linggo (Hunyo 23), sa paglabas ng sineng nakadulot ng totoong pagbisita ng mga espiritu sa Blockbuster Sundays, ang Amorosa.
Kabilang sa cast ng Amorosa sina Angel Aquino, Enrique Gil, Martin del Rosario, Ejay Falcon, Empress Schuck, at Jane Oineza.
Kwento ito ni Rosa (Angel Aquino) at ng kanyang pamilya, na nakaranas ng trauma dahil sa isang aksidente habang sila’y nasa kotse. Dahil sa epekto ng aksidente sa pamilya, naisip ni Rosa na subukang magkaroon ng bagong paÂnimula sa pamamaraan ng paglipat ng bahay kasama ang kanyang dalawang anak na sina Rommel (Enrique Gil) at Amiel (Martin del Rosario), ngunit habang tumatagal ay mapapansin nila na parang may tinatagong misteryo ang bahay, at hindi lang sila ang nakatira doon.
Bilang isang psychological horror-drama, tinutukoy ni Angel ang kanyang pagganap sa Amorosa bilang isa sa mga pinaka-challenging na ginawa niyang pelikula. “Noong binigay nila sa akin ito, I was always on my feet and my toes. Sabi ko sa sarili ko, hindi ko ito puwedeng pabayaan,†sabi niya.
Ang Amorosa ay nilikha sa direksiyon ni Topel Lee, isang sikat na direktor sa mga mundo ng sine at telebisyon. Kilala siya sa kanyang istilo ng sinemaÂtorapiya at sa kanyang mga tema ng kalakasan ng mga babaeng ginagawa niyang bida sa mga pelikula niya. Siya rin ang nasa likod ng mga horror film na Sundo at Ouija.
Mga Chinita at Chinito nagpakitang gilas sa preliminary competition ng Mr. & Miss Chinatown
Nagpakitang gilas ang mga kandidato para sa kauna-unahang Mr. & Miss Chinatown Philippines 2013 sa preliminary competition na ginanap sa ABS-CBN studio.
Ang mga naggagandahang chinita ay nagsuot ng kanilang pinakamagandang damit na pampormal at ng mga oriental-theme na swimsuit, habang ang mga chinitong lalaki naman ay nagsuot ng mga suit at tradisyonal na kasuotan ng China.
Ito ay bahagi ng preparasyon para sa darating na kauna-unahang kompetisyon para sa titulo ng Mr. & Miss Chinatown Philippines 2013 na mangyayari sa ika-30 ng Hunyo sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Ipapalabas din ito sa ABS-CBN Channel 2.