Sa halip na maapektuhan sa muling pagsaÂsabong sa kanila ni Vilma Santos, sinabi ng Superstar na si Nora Aunor na okay sa kanya na muÂling buhayin ang rivalry nila ng gobernadora kung makatutulong ito sa ikasisigla ng movie industriya ng pelikula.
May natapos din na isang indie movie si Gov. Vi na kakailanganin nitong i-promote, ang EksÂÂtra na makakasama sa 9th Cinemalaya InÂdeÂpenÂdent Film Festival. Si Nora naman ay kaÂpapanalo ng kanÂyang ika-8th Best Actress para sa pelikulang Thy Womb na ginawa niya under direktor Brillante Mendoza. Ang pinakahuli niyang award ay mula sa Gawad Urian.
“Walang problema sa akin kung buhayin man nilang muli ang rivalry namin. Kung ‘yun ba ay maÂkakatulong para maging masiglang muli ang indusÂtriya. Maging mas masaya, at maÂkakahikayat tayo ng ibang mga artista na gumawa ng indie films, walang problema,†sabi ng Superstar makatapos niyang tanggapin ang kanyang tropeo sa Gawad Urian.
Dion nag-aambisyong mag-abroad uli
Parang bata si Dion Ignacio na mas inunang puntahan ang Universal Studios sa Singapore nang nagkaroon sila ng break sa taping nila ng Maghihintay Pa Rin (MPR) na dumayo pa sa nasabing katabing bansa natin sa Asya para mag-taping ng show ng limang araw, sila nina Rafael Rosell, BianÂca King at Julia Lee.
First time lang nakalabas ng bansa ang aktor na magtatangkang agawin si Geneva (Bianca) kay Kiko (Rafael Rosell) sa panghapong serye ng GMA.
“Ang galing nilang dalawa sa series. Nakaka-inÂtimidate nga sila. Napi-pressure tuloy ako na pagbutihin din ang acting ko para hindi nila ako mapag-iwanan,†kuwento ng StarStruck alumnus na na-enjoy ang kanyang out of the country taping so much na mag-iipon daw siya para makapagbiyaheng muli, kahit sa Hong Kong lang next time.
Jake at Joem mas matindi ang lampuÂngan
Mukhang nagbabalak kabugin ng bagong tambalang Jake Cuenca at Joem Bascon ang pinag-uusapang istorya nina Vincent (Tom Rodriguez) at Eric (Dennis Trillo). Isang bading at isang nagpapanggap pang lalaki at nag-asawa pa para mapatunayan lang na lalaki siya.
Relasyon din ng dalawang lalaki ang gagampaÂnan nila Jake at Joem sa indie film na Lihis. KaÂraÂÂmiÂhan ng ganitong klase ng pelikula ay hindi na masÂyadong limitado ang kanilang mga eksena, sa punto man ng paghuhubad at love scenes. Kaya maÂÂkakaasa ang maraming manonood na ang mga eksenang hindi nila mapapanood sa My Husband’s Lover ay makikita nila sa Lihis. Pramis!
Nikki pinagtaksilan ng asawa at kaÂpatid
Bibida si Nikki Gil sa isang matinding family drama sa episode mamayang gabi sa Maalaala Mo Kaya.
Gagampanan niya ang karakter ng maÂpagmaÂhal na asawa’t kapatid na si Precy.
Dahil sa hangarin niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak at kaÂpatid na si Agnes (Nikki Bagaporo), magÂdedesisÂyon ito na magtrabaho sa ibang banÂsa at mag-ipon para sa ikagiginhawa ng buhay ng kanyang pamilya.
Ngunit sa kanyang pagÂbaÂbalik sa Pilipinas, unÂti-unting masisira ang pamilyang pinakaiingatan ni Precy dahil matuÂtuklasan niya ang pagtataksil sa kanya ni Agnes at ng kanyang asawang si Lando (Matt Evans). Paano tatanggapin ni Precy ang panloloko sa kanya ng pinakamamahal na kapatid matapos ang lahat ng kanyang pagtitiyaga para dito?
Kaya bang burahin ng panahon ang sakit na naiÂdulot ng bawal na relasyon nina Agnes at Lando?
Tampok din sa MMK episode sina Ces Quesada, Yves Flores, Phoebi Arbotante, Alec Robes, at Marie Joy Dalo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando.