^

PSN Showbiz

Daiana sirang-sira na ang kredibilidad

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang Miami Heat ang champion sa 2013 NBA Finals na live na napanood kahapon sa ABS-CBN. Pinanood ng sikat na Pinoy celebrities ang laban ng San Antonio Spurs at Miami Heat.

SCENE: Ang balita na ang  2013 NBA finals ang dahilan kaya na-postpone ng isang linggo ang airing ng With a Smile ng GMA7. Magkatapat sana ang timeslot ng NBA finals at ng morning tele­serye nina Andrea Torres, Mikael Daez, at Christian Bautista.

SEEN: May tampo si German Moreno kay Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil kinalimutan nito ang pangako na susuportahan ang mga proyekto upang tuluyan na  kilalanin ang Quezon City bilang City of Stars.

SCENE: Ang panawagan sa mga kaibigan ng indie actor na si Marco Morales na tulungan ito sa kanyang mga kaso. Dinakip ng mga pulis si Marco dahil sa hindi pagbabayad sa kanyang motel bills at bintang na pagnanakaw ng mga TV sa loob ng mga motel.

SEEN: Pinapatulan ni Aiko Melendez ang mga nambubuwisit sa kanya sa social media. Hindi dapat nakikipag-away si Aiko sa mga tao na hindi niya kilala. Pikon-talo.

SCENE: Hindi na sineseryoso ang mga drama ni Dai­ana Menezes sa social media dahil napagod ang mga tao sa kanyang inconsistent statements tungkol sa domestic violence at rape.

SEEN: Ang advance birthday celebration ni Ruffa Gutierrez noong Huwebes sa Kasbah, The Fort. Sa  Lunes, June 24 ang actual birthday ni Ruffa.

Lumipad kahapon si Ruffa sa Hong Kong para sa pagpapatuloy ng kanyang birthday celebration.

SCENE: Biktima uli ng social media bashing si AiAi delas Alas, isang araw pagkatapos ng paghaharap nila sa korte ng Quezon City ng kanyang estranged husband na si Jed Salang.

 

AIKO MELENDEZ

ANDREA TORRES

ANG MIAMI HEAT

CHRISTIAN BAUTISTA

CITY OF STARS

GERMAN MORENO

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with