Inspired pala ng Les Miserables ang bagong TV ad ni Congressman Manny Pacquiao. Ito ‘yung commercial na kumakanta ang Pambansang Kamao at ang mga maskuladong mhin na kasama niya.
Marami ang nakapanood sa Les Miserables kaya knows nila na ginaya sa Hollywood movie ang TV commercial ni Papa Manny na hindi pa rin visible sa TV, matapos mahalal na Vice Governor ng Sarangani Province ang kanyang misis na si Jinkee. Re-elected si Papa Manny bilang house representative ng Sarangani.
‘Nakakasama ng loob ang ginawa ng TV5 sa akin’
Na-shock naman ako nang malaman ko na tapos na pala ang presscon ng Misibis Bay ng TV5 dahil kahit pabalat-bunga, walang nag-imbita sa akin.
Hindi ako natutuwa dahil ako ang manager ni Christopher de Leon na starring sa Misibis Bay pero walang nagsabi sa akin tungkol sa presscon ng alaga ko. Dumiretso sila kay Christopher at hindi nagkaroon ng courtesy na ipaalam sa akin na may presscon siya.
Kung inimbitahan nila ako, pupunta ako bilang suporta kay Boyet, hindi dahil sa pralala na ipinamimigay nila ‘no!
Alive na alive ang TV5 executive na si Perci Intalan. Siya ang makapagsasabi na hindi ko pinabayaran sa TV5 ang talent fee ni Lorna Tolentino para sa Third Eye at Artista Academy dahil nababaitan ako sa management ng Kapatid Network.
Ano ang napala ko? Kahit pabalat-bunga, hindi nila ako inimbitahan sa presscon ng Misibis Bay bilang manager ni Christopher, huwag na bilang coÂlumnist dahil mas malaki naman ang kinikita ko sa ibang mga racket ko ‘no?!
Kailangan pa ba na i-text ko si Papa Manny Pangilinan para malaman ko kung may mga presscon ang mga alaga ko na may show sa TV5?
Just a text away si Papa Manny na ang bilis-bilis sumagot kapag nagpapadala ako sa kanya ng mga text message.
Sana tularan siya ng mga tauhan ng TV5.
Diyan mo mapupuri ang ABS-CBN at GMA 7 dahil lahat ng activities ng mga alaga ko, sinasabi nila sa akin.
Ipinapaalam nila sa akin ang mga presscon, tapings, promo guestings, at kung anik-anik pa. Hindi sila katulad ng TV5 na inililihim sa akin ang mga gagawin ng mga alaga ko at parang utang na loob ko pa kapag naimbitahan ako sa kanilang mga presscon.
Pumupunta lang ako sa mga presscon dahil enjoy ako sa pakikipagkuwentuhan sa mga reporter na bihira ko na makita. Bonus na lang sa akin ang mga freebies na ipinamimigay nila.
Nakakasama talaga ng loob na sariling presscon na nga ng alaga mo, inilihim pa nila. Buhket?!!!
One day… parang komiks na may itutuloy
Ngayon ang second Saturday ng One Day Isang Araw, ang bago at early primetime show ng GMA 7 na pambata.
Wish ko lang, naayos na ang editing at nilagyan ng cliff hanger ang One Day Isang Araw dahil naloka ako last week nang biglang mag-the end ang show. ‘Yun pala, parang komiks na itutuloy ang mga eksena ng One Day Isang Araw.